Bet ng Pinas sa 2014 Miss International natalo dahil sa lumang ‘hair & make-up’
NAKAKALUNGKOT na hindi man lang pinalad na makapasok sa top 10 ang a-ting pambato sa katatapos na Miss International beauty pageant. Si Ms. Puerto Rico ang nakasungkit ng korona ngayong taon.
Agaran ding naglabas ng kanyang saloobin via social media ang pinuno ng Mercator Artist & Modelling Agency na si Jonas Gaffud sa naging kapalaran ni Mary Ann Bianca Guidotti. Inako nito ang hindi man lang pagpabor ng mga hurado sa ganda at talino ng ating pambato dahil hindi raw niya sinunod ang kanyang “gut feel” na baguhin ang ayos ng ating representative mula sa hair hanggang sa make-up.
Kung ang iba ay sinisi ang ipinanglaban gown ni Bianca, sinabi ni Gaffud na hindi yun ang na-ging problema kundi ang “simpleng” ayos nito na nakasanayan na nitong gawin since Binibining Pilipinas days.
Well, ganyan talaga. Sobra tayong umasa dahil in fairness naman ay pambato talaga ang ating bet this year. Pero breaks of the contest ‘yun kumbaga. Hindi marahil kinasihan ng mga “stars” si Bianca kaya’t naungusan siya ng ibang kalahok na mas napansin ng mga hurado. At least naman ay hindi tayo ipinahiya ni Bianca dahil nakita naman natin ang effort niya sa pageant!
Huwag naman sanang maging dagdag pressure iyan kina Yvethe Santiago at Valerie Weigmann (talents din ni Gaffud) na sasabak na rin sa gaganaping Miss Supranational at Miss World respectively na napagwagian nga ng Pilipinas last year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.