Gusto mo bang gumaling? | Bandera

Gusto mo bang gumaling?

Dr. Hildegardes Dineros - November 12, 2014 - 03:38 PM

PATULOY pa rin natin tinatalakay ang mga pangunahin na pangangailangan para sa pag-alaga ng ating kalusugan.

Isa-isa nating bibigyang pansin ang mga bagay na akala natin ay walang kinalaman sa kalusugan ngunit ang mga ito pala ang siyang pundasyon sa pagpapagaling.

Ang hinahangad ng Doctor Heal ay ang pangkabuuan na kalusugan—hindi lang pampisikal kundi pati rin pag-iisip at emosyon kasama na ang matuwid at malinis na espiritwalidad.

Kapag ang isang tao ay may sakit, mayroon siyang mga sintomas na nararamdaman, mga senyales na nagpapahiwatig sa kanyang kaisipan na ang katawan ay may pangangailangan.

Ang unang pahiwatig ay ang panghihina o kakulangan ng lakas. Pag ganito ang naramdaman, natural kailangan ng katawan ang pagpapahinga para makaipon ng enerhiya para labanan ang sakit, mikrobyo man ito o kanser.

Nandiyan din ang pagkakaroon ng lagnat na nagpapahiwatig lang na mayroong labanan na nangyayari sa katawan at ng immune system—mga sundalo ng katawan na nakikibaka para puksain ang anumang banta sa ikababagsak ng kalusugan.

Hindi sa lahat ng oras kailangan gamutin ang lagnat dahil pwede rin itong magamit na basehan (monitor) ng paggaling at minsan din ay magandang sitwasyon ang nasa mataas na temperatura para lubusang bumilis ang mga proseso at mekanismo ng pagpapagaling.

Kapag may lagnat, kailangan uminom ng maraming tubig.
Isa pang pangkaraniwan na sintomas ay ang pananakit ng mga kasu-kasuan na nagsasaad ng pamamaga at pagkasira ng mga parte ng katawan.

Kapag ang sakit ay acute o biglaan lang, marahil ito ay dahil sa pamamaga lamang, ngunit kung ito ay chronic o matagal na, ang ibig sabihin nito ay meron nang malalang nangyayari sa lugar na may sakit.

May sitwasyon din na ang problema sa kalusugan ay hindi nag-uumpisa sa masakit, kagaya ng kanser.
Ito ay madalas nag-uumpisa sa bukol sa anumang bahagi ng katawan—isang sitwasyon na nangangailangan na tiyakin kung anong klaseng tumor ang tumutubo.

Marami pang sintomas na posibleng maging unang pahiwatig ng sakit. Kailangan ay pakiramdaman ang mga ito at sumangguni kaagad sa mga nakakaalam lalo na sa nararapat na duktor.

Mayroon nang sapat na kaalaman ang tao at siyensya para matugunan ang pampisikal na karamdaman, kadalasan meron sa mga ospital ang mga pamamaraan sa pagtugon ng mga sakit, basta maaga lang ito nasusuri (early diagnosis).

Ang utak ng tao ay siyang pamamahay ng kaisipan habang ang puso ay ang emosyon, mga bahagi ng physical soul para maging balanse at mapayapa ito, kinakailangan na nakatuon ito sa sentro ng pagkatao, ang spiritual soul.

Ang kaisipan ng tao ay kailangan na maniwala sa kapangyarihan ng Diyos, kahit anumang uri ng pagkakakilala ng tao sa Kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kapag ang kaisipan ay hindi nakatututok sa kanyang sarili, mailalabas at maitatapon niya ang nakakasakit na negatibong enerhiya. Ang pagpapatawad ay ang pagtaas ng mga negatibong enerhiya sa Kanya, ang Diyos para ito ay mapalitan ng positibong enerhiya. Ang mga negatibong enerhiya na madalas kinikimkim ng tao kagaya ng galit, kasakiman, katakawan, inggit, selos at higit sa lahat pagmamalaki ang siyang ugat ng mga sakit kung kaya’t kailangan ang mga ito ay itaas ng tao sa Diyos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending