Kathryn-Khalil loveteam ibebenta sa Wansapanataym
MAAGANG Pamasko ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa mga manonood, lalo na sa mga kapwa niya kabataan, ang pinakabagong Wansapanataym special na pinamagatang “Puppy Ko Si Papi” na magsisimula na ngayong Linggo (Nob. 9).
“Masaya ako na nabigyan ulit ako ng chance na bumida sa Wansapanataym at maging instrumento para makapagbigay ng mabubuting aral sa viewers.
“Sigurado pong makaka-relate ang maraming ka-edad ko sa kwento ng character kong si Iris na dahil sa kagustuhang maging malaya ay minasama ang pagiging over-protective ng kanyang tatay,” pahayag ni Kathryn na huling napaanood sa Wansapanataym noong 2011.
“Sa ‘Puppy Ko si Papi’ ay mas mauunawaan ng viewers ang halaga ng paggabay ng ating mga magulang at kung gaano kahalaga ang pagiging masunurin natin bilang mga anak,” anang Teen Queen.
Tampok din sa Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi sina Dominic Ochoa, Marlann Flores, Khalil Ramos at John Lapus. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Yam Tanangco Domingo at sa direksyon ni Don Cuaresma.
Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak at Juan dela Cruz.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng Wansapanataym special ni Kathryn ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.