Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
12 n.n. Bread Story-LPU vs Cagayan Valley
2 p.m. Racal Motors vs Café France
4 p.m. Tanduay Light vs Hapee
Team Standings: Jumbo Plastic (2-0); Café France (1-0); Cagayan Valley (1-0); Hapee (1-0); Tanduay Light (1-0); Cebuana Lhuillier (1-1); Wangs Basketball (1-1); MP Hotel (1-1); Bread Story (0-1); Racal Motors (0-1); AMA (0-2); MJM Builders (0-2)
MAINITANG labanan ang inaasahang magaganap sa pagitan ng Hapee at Tanduay Light sa pagpapatuloy ng 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang laro ay mapapanood dakong alas-4 ng hapon at inaasahang bubuhos ang emosyon sa court matapos ang mga pangyayari sa dalawang koponan bago ang naturang sagupaan.
Matatandaan na nakuha ng Hapee ang serbisyo ni Chris Newsome nang hindi nabigyan ng offer ng Tanduay na humugot sa Fil-Am player bilang second pick overall sa rookie draft.
Nasundan ito ng mainit na pahayag ni Rhum Masters coach Lawrence Chongson na ang Hapee ay pinatatakbo ng MVP group.
Ang huling pahayag ni Chongson ay nagresulta para patawan siya ni PBA commissioner Atty. Chito Salud ng one-game suspension bukod sa multang P150,000.
Pihadong gagamitin ng Rhum Masters ang huling pangyayari para maitaas ang kalidad ng paglalaro at madugtungan ang 78-77 panalo sa MJM Builders.
Sa individual talent naman aasa pa si Hapee coach Ronnie Magsanoc dahil hindi pa buo ang team chemistry ng koponang inaaniban nina Bobby Ray Parks Jr., Garvo Lanete, Troy Rosario, Ola Adeogun at Baser Amer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.