MAGANDANG araw po sa kanilang lahat diyan at sana’y sa pagdating ng sulat kong ito ay kayo po ay nasa mabuting kalagayan at masigla ang katawan.
Ma’am, mayroon po sana akong gustong itanong kung ‘yung aking Medicare noong ako’y isang guard ay kasali sa PhilHealth.
Guard po ako noong taong 1988 to 2003. Ngayon po ay retirado na ako at naninirahan sa Bato, Camarines Sur. Ang aking ay SSS number ay 03…
Ang pangalan ko po ay si Pepito Sapo Bartilit, 62. Ipinanganak ako noong May 27, 1952.
Gumagalang,
PEPITO SAPO
BARTILIT
REPLY: G. Bartilit:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na
ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa Medicare at PhilHealth.
Nais po naming ipabatid na ang PhilHealth po ay ang dating Medicare ng SSS at GSIS na kung saan ang Medicare contributions ay nagsimula noong Enero 1972 hanggang Hunyo 1999 at ito ay nailipat sa PhilHealth noong Hulyo 1999.
Isa po sa mga programa ng PhilHealth ay ang Lifetime Member Program (LMP). Ang programa pong ito ay para sa mga may edad na 60 pataas, walang trabaho at nakapagbayad nang hindi bababa sa 120 buwang kontribusyon sa PhilHealth at/o Medicare.
Ang mga kwalipikado sa LMP ay makakagamit ng benepisyo nang hindi na kinakailangan pang magbayad ng buwanang kontribusyon maging ang kanilang mga kwalipikadong dependent.
Upang makapagparehistro sa LMP, magsadya lamang po sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth upang punan ng tama at kumpleto ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at dalhin ang mga sumusunod:
Dalawang (2) 1×1 ID Picture;
Kopya ng Birth Certificate o dalawang (2) government issued valid IDs; at
Alinman sa mga sumusunod na dokumentong magpapatunay na nakapaghulog ng 120 buwang kontribusyon
Kopya ng Sertipikasyon ng pagreretiro mula sa SSS;
Kopya ng Death, Disability and Retirement (DDR) kung saan nakasaad ang petsa ng pagreretiro o pagpepensyon;
Service Record mula sa employer kung saan nakasaad ang bilang ng buwanang kontribusyon sa PhilHealth.
Sa pagkakataon po na hindi pa kayo kwalipikado sa LMP at walang trabaho, maaari po kayong ideklara bilang dependent ng isa sa inyong anak na aktibong miyembro ng PhilHealth.
Kung wala pong maa-ring magdeklara sa inyo bilang dependent, maari po kayong magparehistro sa ilalim ng programa ng Informal Economy sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth o parehistro online sa https://eregister.philhealth.gov.ph/ at magbayad ng kaukulang kontribusyon. Ang kontribusyon po ng miyembro ng Informal Economy ay P600.00 kada kwarter o P2,400.00 kada taon.
Nawa kayo po ay natugunan. Kung kayo po ay iba pang katanungan o nais na linawin, bukas po ang aming tanggapan para sa inyo. Maaari pong mag-email sa [email protected] o tumawag sa aming Call Center (02) 441-7442.
Maraming salamat po.
Sumasainyo,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.