Sa 2015 makakaahon na sa kahirapan (2)
Sulat mula kay Connie ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Problema:
1. May trabaho naman ang mister ko, isa siyang driver, kaya lang lagi pa rin kaming kinakapos. Lima na kasi ang mga anak namin at lahat ay nagsisipag-aral. Kaya sa ngayon upang makaraos napipilitan akong mangutang ng mangutang kahit kaninong kakilala ko, kaya unti-unti na kaming nababaon sa mga pagkakautang. Naaawa na nga po ako sa mga anak ko, madalas kasing pumapasok ng walang baon. At ang isa pang inaalala ko, magpapasko na, wala man lang kaming ipon pera pang-handa.
2. Sana sa pamamagitan ng inyong kaalaman malaman ko ang paraan kung paano kami makakaahon sa kahirapan, alang-alang man lang sa mga anak ko para mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan. December 8, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Connie ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing wala sa sariling bayan ang pag-unlad at magadnang kapalaran, kundi nasa malayong lugar. Kaya nga kung hindi ka aalis sa kasalukuyan nyong tinitirahan, malabo kang umunlad at makaahon sa mga pagkakautang.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing sa patuloy na pagsisikap sa ibang lugar doon mo matatagpuna ang lubos na pagunlad hanggang sa tuloy-tuloy kang yumaman, na magsisimulang mangyari at maganap sa sandaling nakapag-abroad ka sa taong 2015 hanggang 2016 sa edad mong 36 pataas.
Luscher Color Test:
Upang mas lalo mo pang makamit ang pag-unlad, kapag nasa ibayong dagat ka na ugaliing gumamit ng pula at asul. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at mas magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Connie nakatakda na ang kapalaran, at ang nakatakda sa iyo ay ang maghirap ng husto sa sinilangan mong bayan. Ngunit kung susundin ang simpleng rekomendasyon sa itaas, ang mag-aplay ka sa abroad at sa ibayong dagat magtrabaho, tiyak ang magaganap – sa malayong pook, makakasumpong ka ng isang maligaya at maunlad na buhay sapat upang mapagtapos mo sa pag-aaral ang iyong mga anak, maiahon kayo sa kahiarapan, hanggang sa tuloy-tuloy ng umunlad at yumaman ang inyong pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.