Horoscope, November 03, 2014 | Bandera

Horoscope, November 03, 2014

Madam Sophia - November 03, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Magtiwala sayong sarili, sapagkat ang taong buo ang loob, ang yaman ay lubos. Sa pag-ibig, paligayahin ng husto ang kasuyo, pag di mo nagawa yan, sige ka baka palitan ka nya? Mapalad ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Aum-Govinda.” Green at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin! Habang nagpapakabuti  lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyo kapag nagtagal pa ang inyong relasyon may magandang kapalarang kang makukuha sa kanya. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Hindi dapat magtiwala sa mga taong madadaldal!  Sa pinasyal isipin ng 10 beses bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, pagbawalan ang kasuyo na makipag-transaksyon sa isang pandak na mataba. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Iwasang mamintas! Kung laging nakatikom ang bibig mas maraming biyayang makakamit. Sa pag-ibig, magiging maligaya ang relasyon sa kasuyong Libra basta’t lagi mo lang siyang pinupuri.  Mapalad ang 9, 12, 23, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Anilam-Om-Atram,” Silver at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat paalipin sa kalungkutan! Sa pagtitiis, malaking pag-unlad ang kapalit. Sa pag-ibig, iwasang gumawa ng ka-imoralan upang magtuloy-tuloy ang  suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Red at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig, kung paano mo dinadaya ang iyong kapwa, ganon ka rin dadayain ng iyong kasuyo. Maging tapat upang lalo pang bumuti ang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 23, 27, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Paparating na ang suwerte! Sa pinansyal, sunggaban ang pagkakataong inaalok ng isang Capricorn. Sa pag-ibig, wag ng ipagpaliban pa ang magagawa ngayon – romansahin mo na siya agad ngayon!. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gohan-Govinda-Gohan-Rama.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Elementong hangin ang taglay ng Libra, kaya hindi mo ba napapansin minsan ay “mahangin” o mayabang ka? Sa pagpapakumbaba  mas maraming biyayang matatanggap at mas magiging maligaya ang pakikipag-relasyon mo sa kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kurvan-Om.” Violet at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa susunod na mga araw, maraming kakaibang suwerteng darating. Malaking halaga ng salapi ang mahahawakan na hindi mo dapat na agad-agad ubusin. Sa pag-ibig lalo sasarap ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilan-Om-Bastan.”  Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansyal tatabo ka ng malaking halaga sa mga produktong may kaugnayan sa kapaskuhan at modernong teknolohiya. Sa pag-ibig, sa isang unipormadong nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—        Wag apurahin ang tagumpay, kusang darating yan! Paghandaan ang pagpasok ng 2015, sobrang dami ng mga biyayang matatanggap. Sa pag-ibig, sa taon ding 2015, iinit ng husto ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om-Agara.” Silver at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—        Wag mapagod sa paghihintay. Ano nga ba ang halaga ng buhay, kung walang tunay at wagas na pag-ibig – sa takdang oras darating din iyan! Sa aspetong pang-pinansyal, unti-unti na namang madadagdagan ang income. Mapalad 7, 16, 23, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jhana-Om-Nama.” Red at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Sa sandaling nalusutan ang kasalukuyang problema giginhawa ka na rin! Laging umasa kay Lord at matutong magpasalamat.  Sa pag-ibig, unawain ang kasuyong sumpungin kaysa mag-away na naman kayo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” White at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending