ISANG boxing expert ang nagsabing sobra-sobra ang athletic ability ni Manny Pacquiao para manalo sa mas matangkad na si Chris Algieri sa kanilang pagkikita sa Nobyembre 22 sa Macau, China.
Si James Gogue, isang boxing trainer at strategist sa loob ng 30 taon, ang nagsabi na hindi magiging epektibo ang taglay na height advantage at lakas sa pagsuntok ni Algieri kay Pacquiao dahil sa taglay na bilis sa pagkilos ng Pambansang Kamao.
“Manny’s speed and footwork will give Chris a lot of problems,” wika ni Gogue sa Fightsaga.com.
“His ability to move in and out of range and attack from different angles will really make things uncomfortable for the relatively inexperienced title holder,” dagdag nito.
Si Algieri ay may taas na 5-foot-10 at hindi pa natatalo matapos ang 20 laban at may walong knockout wins pa sa karta.
Huling lumasap ng bangis ni Algieri ay si Ruslan Provodnikov na natalo sa pamamagitan ng split decision kahit nagawang patumbahin ang US boxer ng dalawang beses sa unang round.
Hindi naman nakikita ni Gogue na mauulit ito sa 5-foot-6 na si Pacman dahil may kakayahan ang multi-division world champion na idedepensa ang WBO welterweight title na tapusin ang kalaban.
“Pacquiao doesn’t just come straight in. He likes to use a lot of feints to disrupt the timing and rhythm of his opponent. And when Manny gets inside, he doesn’t wait on his opponents and limits his punch output to just one shot at a time. He likes to open up with combinations to the body and head,” dagdag nito.
Ang bakbakan ay gagawin sa catchweight na 144 pounds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.