GUSTO ko po sanang itanong sa PhilHealth ang tungkol sa subsidy ng government. Meron po kaming empleyado na covered ng Philhealth na subsidized ng government. Tapos binabayaran din po namin siya ng Philhealth. Paano po kayo ‘yun? Hindi po ba mado-doble ang contributions niya? Paano po pag gagamitin na niya ang PhilHealth nya, ano po ang gagamitin?
Remy dela Serna
Sampaloc Manila
REPLY: Bb. Dela Serna:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ito po ay tungkol sa inyong katanungan na ipinadala kay Bb. Liza Soriano sa kanyang column na Aksyon Line hinggil sa PhilHealth contribution ng inyong empleyado na isang sponsored member.
Nais po naming ipabatid na ang sponsored members ng PhilHealth ay mga miyembro na ang kontribusyon ay sagot ng sponsor na maaaring ang kanilang lokal na pamahalaan, national government agency o isang pribadong ahensya/indibidwal. Ayon po sa polisiya, ang mga aktibong sponsored member na mayroong trabaho ay kinakailangang ipagbayad ng kaukulang kontribusyon ng kanyang employer base sa kanyang buwanang sahod. Ang mga kontribusyon po na madodoble bilang sponsored member at employed member ay maa-ring ipa-adjust sa oras na siya ay mahinto sa pagtatarabaho.
Sa paggamit naman po ng benepisyo, ang gagamitin pong membership ng inyong empleyado ay ang kanyang membership bilang sponsored member hangga’t ito ay valid pa. Ang validity period po ay nakasaad sa PhilHealth ID Card o Member Data Record ng miyembro.
Nawa amin pong nabigyang linaw ang inyong mga katanungan. Kung kayo po ay may iba pang nais na malaman sa programa ng PhilHealth, maaari po kayong tumawag sa (02) 441-7442 o mag-email sa [email protected] at malugod po namin kayong paglilingkuran.
Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.