Ruffa sa ina: Kung ikaw walang hiya...bigyan mo naman ng hiya at respeto ang pamilya mo! | Bandera

Ruffa sa ina: Kung ikaw walang hiya…bigyan mo naman ng hiya at respeto ang pamilya mo!

Ervin Santiago - October 28, 2014 - 03:00 AM

annabelle rama
HINDING-HINDI raw gagawin ni Ruffa Gutierrez ang panghihiya at pambabastos sa kanya ng sariling ina sa mismong birthday party nito noong weekend. Nagkapalitan ng maaanghang na salita ang TV host-actress at ang ina nitong si Annabelle Rama sa Twitter, ito’y matapos ngang mag-walkout si Ruffa sa birthday celebration ng mommy niya na nanlait sa kanyang rumored boyfriend.

“It doesn’t mean that just because you are a mother you have the right to be BASTOS and embarrass your child in front of people! Excuse me not only in front of people but in front of family & friends at an intimate dinner party.

I am a mother too! And I would never do that!!” sey ni Ruffa. “I walked out because you have crossed the line! You tried to be funny at my expense! Kung Ikaw walang hiya, bigyan mo naman ng kahit konting hiya at respeto ang pamilya mo! What u did is not normal,” dugtong pa nito.

Nagpasalamat naman ito kay Sarah Lahbati, ang partner ng kapatid niyang si Richard sa pag-comform sa kanya, tweet ng TV host, “Oh & guess what? No one even called or asked me if I was fine. Only 1 person.

Thank you to my dearest @SarahLahbati for reaching out and for sincerely being concerned for me. I value your friendship.” Ito naman ang resbak ng kanyang mommy, “Akala mo sa pag walk-out mo sa birthday dinner ko last night nasira ang gabi ko? Hindi!!! Tuloy pa rin ang saya.

Hindi ako nakikialam sa buhay mo. As a mother I have all the rights to give advice sa naliligaw na landas kong anak.”  “Hindi ka naman namin pinalaki ng Daddy mo at pinag-aral sa best schools para lang pumatol sa mga P.G,” hirit pa ni tita Annabelle sa kanyang Twitter account.

Nang tila nahimasmasan naman si Ruffa sa nangyari, nag-tweet uli siya at inaming nasaktan siya sa mga kaganapan, “When you fight with someone you love, it hurts. You’re angry, upset, say things that you don’t mean.

You want to take them back but can’t. You’re feeling sad…remorseful. Yet you remind yourself that you’re just speaking up and taking a stand. After all you’re not 16 anymore.”

Siyempre, apektado rin ang friends ng mag-ina sa kontrobersiyang ito kaya ang dasal nila, magkaayos na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending