ASK lang po dahil pinapatanong ng pinsan ko kung kelan daw po magpapatupad ng dagdag na sweldo para sa mga kasambahay na tulad niya.
Sa ngayon ay may dalawa siyang anak. May pag-asa po ba eto?
Bernadatte
Sebastian
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Sebastian para na rin sa iyong pinsan, kinakailangang palampasin ng isang taon bago ang panibagong salary adjustment o increase para sa mga kasambahay.
Sa kasalukuyan ay inatasan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang iba’t-ibang Regional wages and productivity board na repasuhin o i-adjust ang minimum wage ng mga kasambahay na saklaw ng kanilang hurisdiksyon.
Ikinukonsidera sa pagrepaso ang panga-ngailangan ng mga kasambahay, pagtaas ng presyo ng bilihin gayundin ang kapabilidad naman ng mga employer na magdagdag ng sweldo para sa mga household helpers.
Sa ipinaiiral na Kasambahay Law na ininaprubahan noon lamang nakalipas na taon, nagtakda ng P2,500 kada buwan minimum wage sa mga kasambahay sa Metro Manila habang sa mga lalawigan ay P2,000 o may ilan na P1,500 kada buwan.
Mayroon naman na ilang employer ang nagpapasweldo na ng mahi-git sa itinakdang P2,500 na minimum wage na ilan ay P5,000 o P6,000 depende sa kanilang employer.
Kaunting pagtitiis na lamang at inaasahang ang adjustment sa sahod ng mga kasambahay na malaking tulong sa kanila lalo’t may dalawang anak ang iyong pinsan.
Commissioner
Dave Diwa
National Wages and Productivity
Commission (NWPC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
vvv
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.