KathNiel excited na sa remake ng Pangako Sa ‘Yo
Excited na ang Teen King & Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN, ang remake ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.
Ngayon pa lang ay inaabangan na ito ng milyun-milyong fans ng KathNiel loveteam hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Pinatunayan nina Kathryn at DJ na hindi lang dito sa bansa malakas ang kanilang tandem, kundi pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa ginanap na ASAP Live sa Los Angeles, USA ay sila ang talagang tinilian ng mga Pinoy doon. Kaya super happy at excited sila nang mabalitaan ng mga kababayan natin na sila ang magbibida sa remake ng Pangako Sa ‘Yo. Sabi nga ni Daniel, “Malaking project ang aming gagawin kaya kailangang abangan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.