BETERANO VS BAGITO SA NCAA CAGE FINALS | Bandera

BETERANO VS BAGITO SA NCAA CAGE FINALS

Mike Lee - October 20, 2014 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. San Beda vs Arellano
(Game 1, best-of-3)

ISANG koponan na datihan na sa Finals laban sa isang koponang ngayon lamang tumapak sa kampeonato.

Magsisimula ngayon ang pagtutuos ng four-time defending champion San Beda at rookie finalist Arellano para sa mahalagang 1-0 kalamangan sa 90th NCAA men’s basketball Finals sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pakay ng Red Lions ang ikawalong kampeonato at ikalimang diretso kung maipapagpag ang hamon ng Chiefs na nakarating sa yugtong ito matapos ng limang taong paglahok sa pinakamatandang collegiate league.

Nalagay sa unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng double-round elimination, parehong nangailangan lamang ng tig-isang laro ang Red Lions at Chiefs para umabot sa Finals na isang best-of-three series.

Kinalos ng tropa ni San Beda coach Boyet Fernandez ang University of Perpetual Help, 81-75, habang kinailangan ng Chiefs ang magpakatatag para mailusot ang  72-65 panalo sa host Jose Rizal University.

Sa ganap na alas-4 ng hapon magsisimula ang bakbakan at sa biglang tingin ay masasabing angat ang Red Lions dahil ang mga manlalaro nito ay pawang beterano sa championship series.

Ang mga starters na sina Ola Adeogun, Baser Amer, Arthur dela Cruz, Anthony Semerad at Kyle Pascual ay bihasa na sa ganitong malaking labanan at tiyak na hindi yuyuko sa pressure.

Pero hindi maisasantabi ang pagkauhaw na makatikim ng panalo ang Chiefs, kasama na ng kanilang coach na si Jerry Codiñera na nais na tabunan ang hindi magandang alaala noong siya ang mentor ng UE sa kabilang liga.

Balanseng pag-atake na manggagaling kina Keith Agovida, John Pinto, Jiovani Jalalon, Dioncee Holts at Levi Hernandez ang aasahan ng mga panatiko ng Chiefs para maisantabi ang running at physical game ng Red Lions.

Bago ito ay pararangalan muna ng liga ang mga mahuhusay na manlalaro na nasilayan sa season na ito.

Tampok na parangal ang ibibigay kay Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help na hindi lamang tatanggap ng season Most Valuable Player award kundi kasapi rin siya ng Mythical Team at Defensive Team.

Makakasama ni Thompson sa Mythical Team ang kakamping si Harold Arboleda at sina Adeogun, Jalalon at Bradwyn Guinto ng San Sebastian College.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Amerikanong manlalaro ng Arellano na si Holts ang hihirangin namang Rookie of the Year.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending