Dating cool na secretary, mataray na ngayon | Bandera

Dating cool na secretary, mataray na ngayon

Bella Cariaso - October 19, 2014 - 03:00 AM

DA who itong opisyal ng gobyerno na nahawa na rin sa pagiging pikon ng kanyang mga kapwa kalihim.

Usap-usapan ngayon ang kalihim, na makalipas ang apat na taong panunungkulan ni Pangulong Aquino, ay marunong na ring magtaray gayong hindi naman siya ganito dati.

Ngayon, mataray na rin kung magsasagot sa mga tanong ng miyembro ng media ang opisyal na ito.

Kilala kasi si secretary na napakamalumanay sumagot habang nagpapaliwanag sa wikang Filipino. Hangga’t kaya niyang eesplika nang mabuti ay gagawin niya ito nang buong giliw.

Dati-rati, kahit na anong piga ng mga reporter sa kanya, napakatiyaga ng opisyal na sagutin ang mga tanong sa kanya. Hindi siya nagsasawang magpaliwanag kahit kung minsan ay pare-pareho lang naman ang tanong.
Ngayon madali nang maasar si Secretary. Pikon na palagi, wala na ang dating pagiging malumanay.
Marami na ang nakakapansin na kapag natanong na siya ng reporter sa isang isyu, at may reporter na umulit muli sa ganong isyu, binabara niya ang reporter.

Sasabihan ka na ng opisyal na “inulit mo lang ang tanong, nasagot ko na ito, wala na kong mai-dadagdag pa”. Minsan mas masahol pa ang pambabara na ginagawa nito sa mga miyembro ng media.

Mas kilala kasing pikon at nambabara sa mga miyembro ng media ang kanyang kapwa kalihim na akala ay pinipersonal siya sa pagtatanong ng mga reporter. Tawagin natin siyang si Opisyal 2.
Ibig lang bang sabihin nito ay nahawa na nitong si Opisyal 2 si Opisyal 1?
Sino itong opisyal na ito? Kilalang nasa magkapabilang paksyon ang dalawang opisyal na tinutukoy ko.

Gets nyo na siguro ang mga tinutukoy ko?
Nanonood ba kayo ng prescon araw-araw sa telebisyon? Yun na yun.

Nagiging tagasalo na lamang ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya ang Malacanang sa kanyang mga palpak na pahayag tungkol sa MRT.

Nagbigay kasi ng pahayag si Abaya na pinag-iisipang i-shutdown ang MRT para maayos ito at matiyak at mapaganda ang serbisyo nito sa publiko.

Sa harap naman ng mga batikos sa planong tigil operasyon ng MRT, ang mga tagapagsalita na ng Malacanang ang nagbigay ng pahayag kung saan niliwanag umano ni Abaya na wala naman siyang balak na irekomenda kay PNoy na i-shutdown ang MRT.

Nagiging katawa-tawa tuloy si Abaya sa pabagu-bago ng kanyang mga pahayag.

Hindi rin naman solusyon ang shutdown ng MRT kundi ang pagkilos ng DOTC para mapaganda ang serbisyo nito.

Ilang beses nang pinanawagan ang pagbibitiw ni Abaya dahil sa palpak na trabaho niya sa DOTC. Pero, hindi natin alam kung anong meron siya at ayaw siyang pakawalan ng Palasyo.

Dapat ay pagbutihan na lamang ni Abaya ang kanyang trabaho at hindi sumasandal sa pagiging magkaibigan nila ni PNoy, kawawa naman tayong taumbayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Editor: May reaksyon, komento o tanong ba kayo sa kolum na ito? I-text ang TROPA, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending