‘T’yanak’ ni Juday lalaban sa Sineng Pambansa Horror filmfest | Bandera

‘T’yanak’ ni Juday lalaban sa Sineng Pambansa Horror filmfest

Ervin Santiago - October 16, 2014 - 03:00 AM

judy ann santos
SIGURADONG magpipiyesta ang mga tulad naming adik sa mga horror movies kapag nagsimula na ang Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ngayong Holloween week.

Simula Oct. 29 hanggang Nov. 4, mapapanood na ang apat na masuswerteng horror-suspense movies na napili para sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ngayong taon na mapapanood sa lahat ng SM cinema nationwide.

Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na siyang nasa likod ng film festival na ito, “Following Sineng Pambansa’s basic mission to support and produce quality films made by Filipino filmmakers to bring to the wider Filipino public, the Horror Plus Film Festival will highlight four films directed by master Filipino directors that feature Filipino folklore as well as a unique mix of various film genres with traditional horror.”

Narito ang apat na entry na kailangan n’yong abangan: Ang “Bacao” directed by Edgardo “Boy” Vinarao, ay isang drama thriller tungkol sa isang babaeng ipinagkatiwala sa isang albularyo ang kanyang misteryosong pagbubuntis.

Ito’y pinagbibidahan nina Michelle Madrigal at Arnold Reyes. Nandiyan din ang “Hukluban” ni Gil Portes starring Kiko Matos and Krista Miller. Tungkol naman ito sa isang babaeng isinumpa na nagbabagong-anyo kapag sumasapit ang gabi.

Uy, medyo bold ang entry na ito dahil sa maiinit na eksena nina Kiko at Krista kung saan sila naghubo’t hubad. Mula naman sa favorite naming horror directors na sina Peque Gallaga at Lore Reyes ang remake ng “T’yanak” na pagbibidahan nina Judy Ann Santos, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Solenn Heussaff at Liza Lorena.

Sure na sure na panonoorin namin ang pelikulang ito dahil isa sa mga paborito naming horror movie ang “Tiyanak” (1988) noon nina Lotlot de Leon at Janice de Belen na may guest appearance sa bagong version nito.

Gusto naming masaksihan kung paano binago at kung paano ginawang mas nakakatakot at makapanindig-balahibo nina direk Peque at Lore ang bagong “T’yanak” kung saan bibida naman ang “anak ni Juday!”

And the last but not the least, ang “Sigaw Sa Hatinggabi” directed by Romy Suzara. Set in a haunted house occupied by a team of “spirit questors”, pinagbibidahan ito nina Regine Angeles, Richard Quan, Vangie Labalan, Chanel Latorre at Paloma.

Magkakaroon ng gala premiere ang lahat ng entries bago magsimula ang festival kung saan dadalo ang mga producer, direktor at mga artista ng bawat pelikulang kalahok.

Narito ang schedule: “Bacao” – Oct. 20, 7 p.m., SM Megamall cinema 7; “Hukluban” – Oct. 21, 7 p.m., SM North Edsa cinema 1; “T’yanak” – Oct. 22, 7 p.m., SM Megamall cinema 7; “Sigaw sa Hatinggabi” – Oct. 23, 7 p.m., SM North Edsa cinema 1.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending