Nanay ni Heart may pasabog sa mismong araw ng kasal
HINDI pa rin darating sa kasal ni Heart Evangelista ang parents niya.
Halos complete na ang details ng kasalang Sen. Chiz Escudero and Heart this February, pati ang principal sponsors nila and yes, both the parent of Heart and Heart herself, confirmed nang nagkaayos na sila and in fact, ang mother ni Heart ang naghahanap ngayon ng perfect wedding shoes ng anak.
That doesn’t mean appear na rin ang magulang sa kasal ng anak but the latest news, pinayagan na rin ng parents ni Heart na um-attend ang mga kapatid nito.
According to Heart’s mother, tanggap na nila si Sen. Chiz as their daughter’s groom so what is still the reason kung bakit hindi sila a-attend sa kasal? Say ni Heart in a recent interview, saka na lang daw babalik ang mag-asawa kapag natapos na ang kasal.
Tutal, nabigyan na nila ng blessings sina Sen. Chiz and Heart. Again we ask, okay na pala ang lahat, bakit ayaw pang um-attend sa kasal ang magulang? Ito ang hindi namin maintindihan.
Our two cents worth of opinion, hindi ka makikipag-ayos sa anak mo, bibigyan mo sila ng blessing, tutulong sa paghahanap ng mga gamit ng ikakasal and yet, hindi sila darating sa kasal. Hindi ba nangangamoy high drama?
It would have been a good front page news nga naman kapag in the end, kahit sa reception man lang, appear ang magulang niya and it will certainly blow away all the news that day considering near or actual Valentine days ito, they will have the front page for themselves.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.