Nagsawa na raw sa panliligaw sa kanya?
UY, totoo ba na may balak na ring lumipat sa ABS-CBN ang award-winning Kapuso actress na si Lovi Poe?
‘Yan kasi ang usap-usapan ngayon ng mga tsismosa sa tabi-tabi, as in may naghihintay daw na magandang offer ang Dos kung iiwan man ni Lovi ang GMA.
Paglilinaw naman ni Lovi, walang-wala sa plano niya ang layasan ang Siyete, in fact, super happy siya ngayon dahil napakaganda ng rating ng teleserye nilang Legacy sa Telebabad ng GMA. “I still have my contract sa GMA.
I still have one year pa. And I’m happy naman, I’m thankful naman sa GMA for all the projects na ibinibigay nila sa akin.For now, focused ako sa Legacy.
Nakakatuwa nga dahil ang dami-dami naming natatanggap na good comments, so thankful po ako,” chika ni Lovi.
Tungkol naman sa lovelife, hindi ito diretsahang sinagot ng aktres, aniya, “It’s fine.
I keep it on hold. I think it’s best that I work first.
Huwag muna nating haluan ng something personal. Ha-hahaha! Basta I’m fine and I’m happy.” “Kasi for me, it’s important to focus muna sa work.
Kasi, this is all I have. This is what I need to focus, on my work.
For me naman to be able to enter into something, I should be stable for myself.
Kailangang nakakatayo ako sa sarili kong paa. “Hindi naman puwede ‘yung enjoy-enjoy na lang. You have to really work.
And iyon nga ang focus ko ngayon, magtrabaho talaga,” pahayag pa ni Lovi.
Dinenay din niya na nagkabalikan na sila ni Ronald Singson, pero inamin niyang patuloy ang kanilang magandang samahan, “We’re friends.
And I want to keep the friendship between us.
There’s no way naman that I can just throw away that friendship or whatever relationship it was.” “Lagi naman kaming nagkakasama sa mga events.
Because ‘yung friends ko, friends din niya.
So, same circle of friends kami kaya malabong hindi kami magkita at magkasama,” kuwento pa ng aktres na siya ngang tinanghal na Star Awards For Movies Best Supporting Actress para sa pelikulang “Yesterday, Today, Tomorrow”.
Natanong din si Lovi kung may alam ba siya tungkol sa nababalitang bagong dyowa raw ni Singson, na ang tinutukoy ay ang dating PBB housemate at ngayon ay sexy star nang si Jamila Obispo.
Sagot lang ng aktres, “I don’t know. Well, you know, matagal na rin naman ‘yun, about us, and of course, marami na rin tayong napagdaanan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.