Babala kay Erich: Lalamunin ka nang buhay ni Kaye! | Bandera

Babala kay Erich: Lalamunin ka nang buhay ni Kaye!

Ambet Nabus - October 14, 2014 - 03:00 AM

erich gonzales
And talking about galing sa pag-arte, dapat ding harapin at tanggapin ni Erich Gonzales na isang malaking hamon sa kanyang pagkaaktres ang komento ng marami na lalamunin siya ni Kaye Abad sa bago nilang soap opera sa ABS-CBN, ang Two Wives.

Kilala nating isa sa pinakamahuhusay na character actress si Kaye ng kanyang henerasyon at kahit ngayon lang siya nabigyan uli ng serye kung saan siya talaga ang matatawag bida, naniniwala kaming deserving siya sa proyekto bilang ka-love triangle nina Erich at Jason Abalos, isa ring magaling na aktor.

Sa mga nababasa at naririnig kasi naming mga komento na nakapanood ng trailer ng Two Wives, mas marami ang nagsabi na si Kaye ang magdadala ng kuwento at sa mga eksenang nakita nila, tinalbugan daw agad nito si Erich, lalo na doon sa mga confrontation scenes nila.

“Mas dapat na ma-challenge si Erich, at mas ganahang sumabay sa galing nina Jason at Kaye dahil kung hindi magsa-suffer siya sa pagkukumpara sa galing ng mga kasama niya.

Kung magpapa-intimidate siya at magpapabaya, baka talagang malunod na siya sa husay nina Kaye at Jason,” hirit pa ng nakausap namin.

Nagsimula na kagabi ang Two Wives sa Primetime Bida ng ABS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending