Aga sumuko na sa politika, ayaw nang tumakbo sa 2016 | Bandera

Aga sumuko na sa politika, ayaw nang tumakbo sa 2016

Ambet Nabus - October 14, 2014 - 03:00 AM

aga mulhlach
Dapat lang sigurong maghanda o paghandaan ni Aga Muhlach ang kanyang movie comeback sa 2015. Sa dami ngayon ng mga baguhang artista, mukhang nakalimutan na nga ng madlang pipol si Aga.

May mga nagsasabi na kahit nagkaroon ng ilang shows sa TV5 ang aktor ay hindi maikakaila na kahit paano’y nabawasan din ang kanyang kasikatan at karisma sa mga tao.

Nakakainis mang pakinggan, pero isa nga sa mga “nalaos” ang magaling na aktor nang dahil sa mga naging desisyon niya noon. At ngayong balitang hindi na siya nag-renew ng kontrata sa TV5, marami ang umaasang makakabalik pa sa eksena si Morning.

Just look at Richard Gomez na marunong makipaglaro sa industriya. Kahit hindi kumikita ang mga indie movies na ginagawa niya, napaka-visible pa rin niya sa showbiz, hindi siya nawawala sa eksena kahit nasasangkot pa sa ilang kontrobersiya.

Sana nga ay magawa rin ni Aga ang ganu’n dahil among our local talents, isa talaga siya sa matatawag na gifted sa larangan ng pag-arte.

Sa isang interview naman, sinabi ni Aga na hindi na niya ipagpipilitan ang sarili sa politika matapos na matalo nag tumakbong congressman sa Camarines Sur noong huling eleksiyon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending