Sharon bagong biktima ng ‘Killer Netizen’
Apektado si KC Concepcion sa kumalat na balitang patay na raw ang kanyang inang si Sharon Cuneta. May kumalat kasing post sa social media na namatay na raw ang Megastar matapos itong atakihin sa puso na agad namang pinabulaanan ng pamilya ni Shawie.
Ayon kay KC, sumama talaga ang loob niya nang malaman niya ang tungkol dito, aniya sa isang interview, “Nagulat ako kasi friend ko rin ang nag-send sa akin.
Siyempre, kagagaling ko lang dun sa lola (Elaine Cuneta) ko, ‘di ba? Alaga ko kasi ang lola ko and, up to now, nasa hospital pa rin siya.”
Natakot daw talaga ang Kapamilya actress nang malaman niya ang tungkol dito, “Kaya hindi talaga siya maganda, kasi buhay na yun. Buhay na nang may buhay yun kaya ‘di na nakakatawa.”
Tinanong si KC kung kumusta na ang kanyang mommy, tugon ng aktres-TV host, “She’s okay, actually, nagte-text naman kami. Pumapayat na kasi she’s really serious on losing weight.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.