Wala talagang baho na di mangangamoy! – Billy
WALANG bakas ng kalungkutan ang mukha ng isa sa mga host ng It’s Showtime na si Billy Crawford nang humarap sa presscon ng bagong pelikula ng Viva Films na “Moron 5.2: The Transformation.”
Ibig sabihin, naka-move on na uli siya matapos ang kinasangkutang iskandalo kamakailan. Ayon sa TV host-actor, napakarami niyang natutunan sa nangyari, at inaamin niya na mas lalo siyang napalapit sa Diyos nang dahil dito.
“It’s really an eye-opener. Sabi ko nga, there’s no need for drama, no need for circumstances, and to put myself in a certain position. Kasi, ako naman ‘yung nagpahamak sa sarili ko.
I was the one, you know, who was under the influence,” chika ni Billy. Dito rin daw niya nakilala kung sino ang tunay niyang mga kaibigan at kung ano ba talaga ang purpose niya sa buhay.
Marami ring humanga sa pagiging honest niya dahil matapang niyang inako ang kanyang mga kasalanan, “Well, I think naman sa pag-amin, kasi wala naman akong masamang nagawa. Pero I also have my faults and it’s my responsibility din.
Lahat tayo nagkakamali. And one thing na napatunayan ko, wala talagang bahong hindi naaamoy. So, it’s better to be man enough and own kung anuman yung pagkakamali mo.”
Speaking of “Moron 5.2”, sa trailer pa lang ng bagong movie ni direk Wenn Deramas na showing na sa Nov. 5 nationwide, sure na sure kaming mas nakakabaliw ito kesa sa part 1 (Moron 5 And The Crying Lady).
Sabi nga ng isa sa mga bida ng pelikula na si John “Sweet” Lapus bilang si Becky Pamintuan, mas maloloka at mas maiihi kayo sa katatawa mula simula hanggang ending ng movie.
Siyempre, bukod kay Billy, nandiyan pa ang apat na moron na sina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano at ang bagong member ng grupo na si Matteo Guidicelli (pumalit kay Martin Escudero).
Ka-join din dito sina Joy Viado, Mylene Dizon, Yam Concepcion, Nikki Valdez at Danita Paner. Promise, panonoorin namin ang “Moron 5.2” kasama ang aming pamilya, dahil alam n’yo ba na kahit limang taon na ang nakalilipas, hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring pinapanood ng aming mga pamangkin ang part one nito!
At ang nakakaloka, tawa pa rin sila nang tawa sa mga kabaliwan ng moron 5! Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.