Gustong maka-jackpot sa lotto (2)
Sulat mula kay Isko ng San Roque, Bombon, Camarines Sur
Problema:
1. Ako po ay 69 years old na sa ngayon at may dalawang anak na pawang tapos ng pag-aaral, dahil sa kabila ng kahirapan ay sinikap ko silang papagtapusin kaya lang ay may pamilya na sila ngayon at hindi na nila ako inintidi. Sa ngayon ay nagiisa po ako sa bahay at nabubuhay lang sa tulong ng aking mga kapit-bahay at malalapit na kaibigan. Minsan ay pinapadalan din ako ng mga anak ko pero madalang pa sa patak ng ulan.
2. Madalas akong tumaya sa lotto para makapagsimula ako ng sarili kong hanap buhay, ang problema hindi naman ako pinapalad na tumama. Maaari bang bigyan nyo ako ng numero na magpapatama sa akin ng jackpot upang sa edad kong ito bago man lang ako malagutan ng hininga ay makatikim man lang ako ng kaginhawahan. December 10, 1944 ang birthday ko.
Umaasa,
Isko ng Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing susuweretehin ka sa panahon ng Cancer at Virgo ito ay ang buwan ng Hulyo hanggang Agosto. Sa nanasabing panahon ka magtataya higit lalo sa taong 2015. Kung ata na atat ka ng tumaya at hindi na makapaghintay sa ika-25 ng Nobiyembre hanggang ika-28 ng Disyembre sa taong ding ito ng 2014 malaki ang tsansa na ikaw ay manalo ng malaking halaga ng salapi sa lotto.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing ikaw ay mapalad sa numerong 7, 16, 25, 28, 34, at 41 gayon din ang numerong 4, 13, 19, at iba pang birth date ng mga taong mahahalaga sa iyong buhay. Sa nasabing mga numero masasapol mo na ang dambuhalang premyo sa lotto sa susunod na taong 2015 sa edad mong 70 pataas.
Luscher Color Test:
Upang matiyak ang malaking panalo, sa tuwing tataya ka sa lotto magsuot ng kulay na pula o kaya’y dilaw. Ang nasabing kulay ang hahatak ng malaking suwerte at magandang kapalaran sa larangan ng mataeryal na bagay.
Huling payo at paalala:
Isko sundin ko lang ang mga tagubiing binanggit na sa itasa, at ang huling advice tumaya ka sa lotto outlet na mahaba ang pila. Kapag nagawa mo ang mga simleng rekomendasyong binaggit na sa itaas,. tiyak ang magaganap sa taong 2015, sa buwanm ng Huyol hanggang Agosto sa edad mong 70 pataas tatama ka sa lotto ng dambulang jackpot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.