Ruru Madrid bagong matinee idol ng GMA, walang kaarte-arte sa trabaho
HABANG nagdi-dinner kami sa Yakumi (Japanese resto sa Solaire Hotel & Casinos) ay nag-meet kami ng kaibigan naming si William Tan at nadaanan ng kuwentuhan namin ang ilang celebrities and models na pareho naming kakilala at nalaman namin na isa sa mga tinutulungan niya ngayon ay itong young actor na si Ruru Madrid.
Kaibigan kasi ni William ang mother ni Ruru, ang dating aktres na si Vanessa Escano. I forgot lang kung kailan ko huling nakita si Vanessa – many years ago na tiyak dahil that time ay dalaga pa siya.
Eh, ilang taon na ba si Ruru Madrid ngayon, 16 ba? “He is very promising kasi at sayang naman kung mauwi lang sa wala ang pinaghihirapan nilang mag-anak. I know his parents and they are so nice. In our own little way basta ba makatulong why not?
Nakakatuwa sila because they are very respectful and appreciative sa maliliit na bagay na gagawa natin for them. “Kahit sino naman basta lumapit sa atin at kaya lang din natin mag-lend ng konting hand, why not? Ruru yata is graduating sa high school and is busy na rin sa GMA 7.
Sabi ko nga sa kaniya, galingan niya sa pag-arte at pag sumikat na siya ay balatuhan niya ako. Ha-hahaha!” ani William na sobrang bait talaga.
Yes, mabait nga itong si Ruru. Minsan ko na itong nakasama when I brought him sa Tanauan City Gymnasium para sa celebrity basketball exhibition game sponsored by the Rotary Club of Tanauan City which I am an honorary member.
Nagkatsikahan kami sandali and he sounds nice. Cutie pa. He is under the management of our dear friend Direk Maryo J. delos Reyes. Walang arte ang batang ito, very warm Ngayon ay busy si Ruru sa mga projects niya sa Siyete, isa na nga riyan ang Seasons Of Love.
Hindi ako nakakapanood ng TV lately kaya wala akong idea sa seryeng ito – pasensiya na kayo kasi alam niyo naman ang Lola Jobert niyo, hindi gaanong nakakapanood ng TV lately dahil sobrang busy sa career ng alaga kong si Michael Pangilinan.
Ha-hahaha! Hands-on kasi ako kay bagets kasi nga nagloloka-lokahan kung minsan. Ha-hahaha! Mahirap na’t baka ngayon pa maligaw ng landas.
“Nakalaro ko na si Ruru sa Tanauan City Gym. Naalala ko na. Pareho lang kaming marunong maglaro, hindi man pang-PBA pero kahit paano nakakalaro!” ani Michael na feeling superstar ng hard court kung minsan. Kaloka!
Pang-matinee idol ang dating ni Ruru. Marunong kasing umarte ang batang ito and looks so good. Iyon nga lang, he has to gain more weight – kungsabagay, bata pa kasi ito kaya hindi pa puwedeng mag-full blast sa gym.
Baka maapektuhan ang growth niya pag mag-bodybuild na siya, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.