Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. Letran vs St. Benilde
4 p.m. Arellano vs Lyceum
Team Standings: zArellano (13-4); zSan Beda (13-5); Jose Rizal (12-6); yPerpetual Help (12-6); St. Benilde (11-6); Letran (8-9); Lyceum (6-11); San Sebastian (5-13); Mapua (4-14); Emilio Aguinaldo (4-14)
z – Final Four twice-to-beat
y – playoff Final Four
NAKAREKOBER agad ang Jose Rizal University Heavy Bombers para maisantabi ang pagkawala ng malaking kalamangan tungo sa 82-77 panalo sa San Sebastian College Golden Stags sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tinapos ng host JRU Heavy Bombers ang double-round elimination tangan ang 12-6 baraha para makabalik din sa Final Four matapos mawala sa huling dalawang edisyon.
May 24 puntos si Philip Paniamogan at lima sa kanyang 10 free throws ay ginawa sa huling dalawang minuto ng labanan para maisantabi ang pagkawala ng 25 puntos kalamangan, 62-37, sa ikatlong yugto.
Ang dalawang free throws ni Paniamogan matapos ang butata ni Abdul Wahab kay Ivan Camasura ang nagtulak sa JRU sa 81-76 kalamangan may 23 segundo ang nalalabi sa orasan.
Si Schever Anthony Benavides, Michael Mabulac, Bernabe Teodoro at Jaycee Asuncion ay naghatid ng 13, 13, 10 at 10 puntos para magkaroon ng sapat na suporta si Paniamogan.
Lumapit ang College St. Benilde Blazers sa playoff para sa huling upuan sa semifinals sa 87-76 panalo sa Mapua Cardinals.
Si Luis Sinco ay naghatid ng 11 puntos sa ikatlong yugto para bigyan ng 66-52 bentahe ang Blazers papasok sa huling yugto.
Lumobo ang bentahe sa 19 puntos, 79-60, nang nagpakawala ng dalawang sunod na triple si Pons Saavedra habang lima pa ang hatid ni Jonathan Grey.
Si Grey ay nagtala ng 19 puntos para pangunahan ang apat na Blazers na nasa doble-pigura upang mangailangan pa na manaig sa Letran sa pagtatapos ng eliminasyon bukas.
Kung manalo pa, magkakaroon ng triple tie ang Heavy Bombers, pahingang University of Perpetual Help Altas at Blazers sa 12-6 baraha. Pero dahil may pinakamataas na quotient ang JRU, sasalang sa knockout ang Altas at Blazers at ang mananalo ay makakaharap ng Heavy Bombers para sa number three seeding sa semifinals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.