2 anak nina Claudine at Raymart biglang nagyayang umuwi nang makita si Gretchen
Halinhinan munang iniuwi ng magkakapatid na Santiago ang urn ng namayapa nilang inang si Mommy Chiling, Mrs. Cielito Legaspi Santiago, bago tuluyang ihinimlay sa tabi mismo ng kanilang amang si Direk Pablo Santiago.
Ulilang-lubos na ngayon sina Randy, Rowell, Rhea, Junjun, Chi-Chi at Raymart. Bibihira ang nakakaalam na maysakit si Mommy Chiling, walang anumang balita tungkol sa panghihina ng kanyang katawan, kaya nang mamayapa ang dakilang ina ng magkakapatid ay maraming nabigla sa balita.
Pero naturalesa na ng mga Santiago ang pagiging tahimik lang sa mga nangyayari sa kanilang personal na buhay. Kahit kailan ay hindi sila mahilig sa gulo, kaya nga nang magsimula nang maging laman ng mga pahayagan ang hidwaan nina Raymart at Claudine Barrretto ay nabulabog ang buong pamilya, hindi sila nasalba sa kontrobersiya.
Hindi dumalaw sa burol si Claudine, pero ipinadala naman nito ang kanilang anak ni Raymart na sina Sabina at Santino, nagkataon namang nasa lamay rin sina Gretchen at Marjorie nang dumating ang mga bata.
Kuwento ng aming source, “Nu’ng makita ng magkapatid na nandu’n ang mga tita nila, nagyaya na silang umuwi.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.