Rochelle bawal magsalita tungkol sa hacienda ng BF
Ayaw nang pag-usapan ni Rochelle Pangilinan ang pagiging haciendero nila ni Arthur Solinap. Parang iba na ang slant ng pagsagot ni Rochelle kung kailan sila magpapakasal ni Arthur.
Kung dati ay may sort of contract restriction siya kung kaya’t hindi pa siya puwedeng magpatali, ngayon, it’s a much simple one, hindi pa naman daw kasi nagpu-propose sa kanya si Arthur.
If he does nga naman, mabilis na ‘yun lalo na’t more than couple na sila dahil business venture silang magkasama ngayon, say ng isang bida sa Ang Lihim Ni Annasandra na magpa-pilot tomorrow sa GMA Afternoon Prime after Dading.
Rochelle and Arthur are financing the taniman ng tubo sa 25 hectares ng lupain ng mga Solinap sa province. Take note, napakaliit daw ng 25 hectares compared sa full lot ng pamilya ni Arthur.
Medyo nagulat daw ang family ni Arthur na lumabas ang balitang ito. So in deference na rin sa pamilya ni Arthur, Rochelle doesn’t want to talk about this or give other details.
Pag-usapan na lang daw ang serye nilang Ang Lihim Ni Annasandra starring Mikael Daez and Andrea Torres with Pancho Magno.
Kakaiba ang papel ni Rochelle dito, isang awok o baboy ramo. Although she has done a lot of fantaserye, most challenging ito sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.