SUAREZ LALABAN SA GOLD MEDAL MATCH | Bandera

SUAREZ LALABAN SA GOLD MEDAL MATCH

Mike Lee - October 03, 2014 - 12:00 PM

GINAMIT ni Charly Suarez ang lahat ng nalalaman sa boxing para tapunin si Mohammad Mustafa Alkasbeh ng Jordan at naging natatanging Filipino boxer mula sa apat na lumaban sa semifinals ang nanalo sa boxing kahapon sa Ganghwa Dolmens gymnasium sa Incheon, South Korea.

Sapat ang maagang pagdodomina ng 26-anyos beterano ng World Series of Boxing sa unang dalawang rounds tungo sa 30-27, 30-27, 28-29 panalo sa lightweight division.

Pakay niya ang gintong medalya laban kay Otgondalai Dorjnyambuu ng Mongolia sa pagtatapos ng boxing competition ngayon.

Ngunit sina Mark Anthony Barriga, Mario Fernandez at Wilfredo Lopez ay talunan sa kanilang mga laban para sa tatlong tansong medalya lamang.

Ang London Olympian na si Barriga ay kumunekta ng solid na suntok ngunit ang mga hurado ay nagbigay ng  28-29, 27-30, 28-29 unanimous decision panalo sa pambato ng Korea na si Jonghun Shin sa light flyweight division.

Hindi naman kinaya ni Fernandez ang mas mahusay na si Jiawei Chang ng China tungo sa 28-29, 28-29, 28-29 unanimous decision pagyuko sa bantamweight class.

Ang laban nina Lopez at Jordanian pug Odai Riyad Adel Alhindawi ng Jordan ay nauwi sa bakbakan sa ikatlong round matapos paghatian ng dalawa ang naunang dalawang rounds.

Pero sa huli, ang desisyon ay napunta kay Alhindawi tungo sa 28-29, 29-28, 29-28 pagkatalo ng Pinoy boxer.

Hindi pa rin binubuwenas ang mga taekwondo jins ng bansa at si Benjamin Keith Sembrano ay nakontento sa isa pang tansong medalya at pang-apat ng delegasyon, sa men’s -68 kilogram division nang natalo kay Jiannan Huang ng China.

Agad na namaalam sa unang laban sa kata si Orencio James delos Santos kay Chris Cheng ng Hong Kong para sa di magandang panimula ng mga karatekas.

Papasok sa huling dalawang araw ng kompetisyon, ang Pilipinas ay may isang ginto, dalawang pilak at siyam na tansong medalya na hinakot para malagay sa ika-22 puwesto sa pangkalahatan.

Ngunit kung ang puwestuhan sa hanay ng mga Southeast Asian countries ang pag-uusapan, nasa ikapitong puwesto ang pambansang delegasyon kasunod ng Thailand (9-7-27), Singapore (5-6-11), Malaysia (4-14-11), Indonesia (4-5-11), Myanmar (2-1-1) at Vietnam (1-10-24).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa overall standings, ang mga nasabing SEA countries ay nasa ika-10, 14, 15, 16, 20 at 21st puwesto, ayon sa pagkakasunod.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending