Hubad na katawan ni KC sa Instagram nilait ng bashers
Walang takot na nag-post si KC Concepcion ng picture niya sa Instagram na naka-two piece siya. Sexy ang pose ng hitad na merong caption na “Playing on the set of IKAW LAMANG. My skin is looking for some SUN.”
Umapir sa isang sikat na website ang photo at ang nakakaloka, biglang binura ng aktres ang kanyang photo. Hindi namin alam kung bigla siyang nahiya na maraming nakakita sa kanya na naka-two piece o sinermunan siya ng ng kanyang inang si Sharon Cuneta. O baka naman si Paulo Avelino ang nanita sa kanya at inutusang burahin na ang nasabing picture.
Anyway, lait ang inabot ni KC sa kanyang post na ‘yon. One guy described KC’s body as, “Parang ruler kasi ang body nya..straight.”
“Kunwari daw ‘tease’ kaya pinost tapos binura agad. Yung mga fantard lang naman ang kinilig, the rest kinilabutan,” me halong sarcasm na comment naman ng isa.
One follower observed that “Umaanggulo ang bewang ni ate para di halatang malapad. Lol.”
“Grabe pagka desperada. Anyare sa dating goody two shoes image ni KC. Para lang syang starlet umarte ngayon,” opinion naman ng isa pang hindi nagkagusto sa photo ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.