Napikon sa tanong kung siya ba’y tomboy
IN fairness, nagpapakatotoo lang daw si Charice! Dumating na sa bansa ang international Pinay singer at na-shock ang lahat nang makita ang bago niyang hairstyle.
Wala na ang maitim at mahaba niyang buhok – maikli na ito at super blonde (parang buhok ni Justin Bieber).
At hindi lang ang kanyang new look ang ikinagulat ng kanyang Pinoy fans kundi pati na rin ang kanyang pagpapa-tattoo.
Marami nga ang nagsabi, hindi kaya nagrerebelde itong si Charice kaya ang dami-dami niyang bagong drama sa buhay?
“I know some people think that this is very rebellious but it‘s not.
It‘s just me evolving. It’s me transforming into another person that is totally me,” ang chika ni Charice sa isang TV interview kasabay ng pagsasabing, gusto niya raw kasing gayahin ang image ng mga idol niyang sina Avril Lavigne at Rihanna.
Sa Singapore raw siya nagpa-tattoo (Love Eternally) na matatagpuan sa kanyang braso, “I think everybody‘s shocked.
This is such a big step for me and I love it.
This is me. This is who I am. I just don‘t want to stay a person that I don‘t like, I‘ve been thinking about it for years and years.
This is a dream come true for me.”
Dagdag pa ng singer, “It‘s not just a tattoo. It has a meaning for me.
This is for my love for the people, love for my dad, love for my family.”
Tungkol naman sa matagal nang tsismis na isa siyang tomboy, ito lang ang masasabi diyan ni Charice, “Why would you ask me that question? I think that‘s a very inappropriate question.
For me, just love me. I‘m a person. If you think I‘m a boy or a girl or if I look like a boy, then fine. I‘m Charice!”
At dahil nga sa bago niyang look, hindi kaya mas lalo lang lumala ang tsismis tungkol sa kanyang pag-kababae? “I know what people think…I don‘t care.
This is the look that I want. The only thing that you can do is move on.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.