Sam kay Daniel: Mag-ingat na siya sa susunod!
Bumilib si Sam Concepcion sa katapangan ni Daniel Padilla matapos nitong aminin ang kanyang pagkakamali kasabay ng paghingi nito ng paumanhin sa mga taong naapektuhan ng kumalat na audio-video scandal ng Teen King.
Sa nasabing audio clip, nadamay nga sina Sam at ang girlfriend nitong si Jasmine Curtis na sinasabing isa sa mga binabanggit na babaeng nagpapakilig daw kay Daniel.
“I’m glad he knows his mistake. He was good enough to admit. ‘Yun nga naiintindihan ko naman. Kasi siyempre kapag bata ka minsan marami kang nasasabi na hindi mo namamalayan,” sabi ni Sam sa interview ng ABS-CBN.
Kasabay nito, dinenay ni Sam na nagkakalabuan sila ni Jasmine dahil sa nasabing isyu, “Wala namang kinalaman si Jas, walang kinalaman sa nangyari.
Siguro barkadahan lang na nag-uusap at minsan may mga ganoong bagay ka na nasasabi.” Ito naman ang mensahe ni Sam kay DJ, “He just has to be more careful.
Minsan kahit mga kaibigan niya ‘yung mga kausap niya…siyempre minsan with the words that we say sometimes, we have to be accountable for it and we have to careful.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.