Madlang pipol nabwisit sa kayabangan ni Kris, Boy nadamay | Bandera

Madlang pipol nabwisit sa kayabangan ni Kris, Boy nadamay

Alex Brosas - September 21, 2014 - 03:00 AM

boy abunda
HINDI pala maganda ang naging dating ng paglabas ng photos nina Kris Aquino at Boy Abunda nang ibigay ng una ang Hummer na iprinamis niyang ireregalo sa nagkasakit na TV host.

Mayabang ang naging dating ng photos, parang lumalabas na napaka-insensitive ni Kris for allowing those photos na kumalat sa social media.

Ang effect kasi, ipinagmamayabang ni Kris sa madlang pipol sa social media na carry niya ang magregalo ng milyones na sasakyan. Ang daming nam-bash kay Kris sa paglabas ng nasabing photos. Talagang LAIT ang inabot niya sa kanyang KAYABANGAN.

“Kasi marami Negative Comments sa Kanya noon about Nora Aunor being a National Artist. Then kay Vilma Santos na pinahiya nya sa maling Spellings.

Kaya para Maibalik ng Tao ang Sympathy at Attention sa kanya na She’s a Good Person, Kaya Yan. She Has and Must to Publish nagagawa nya sa Tao.”

“Tama ka gustung gusto ni KRIS AQUINO na malaman ng BUONG MUNDO ang ginagawa mga PAGBIBIGAY sa kapwa. kc GUSTO nia ay HANGAAN sia. tama ka HINDI na dapat malaman ng bansa ang mga ito. kasi para sa akin ang DAPAT ay maging LOW PROFILE ka kung gusto mong tumulong. kasi nga may may PLANO sia pansarili sa mga susunod na taon. di ba gusto nia maging SENATOR o PRESIDENTE kaya nia ginagawa nia ito….getz mo?”

“Dapat ang million nya ginamit sa mga hindi maka afford mapaayus ang bahay dahil kay yolanda. Tapus, ayan na naman another bagyo pumasok sa Pilipinas. Pang Food anything may use of her million.”

“Pahambog, kung ang nireregaluhan nya ng milyon yung mga biktima ng mga kalamidad matuwa pa ang tao mayaman na si boy yung mahihirap na lang tulungan nya at huwag nya nang ipamalita.”

Ano kaya ang mase-sey diyan ni Kris? Patulan niya kaya ang mga ito o dedma na lang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending