Ni Ambet Nabus
NAKU, ano na naman itong bagong bansag na ikinakabit kay Aljur Abrenica? Dahil dedma lang ang aktor sa bansag sa kanyang “bubuyog”, heto’t may bagong tawag na naman daw sa kanya ang mga katropa ni Robin Padilla na diumano’y kontra sa relasyon nina Aljur at Kylie Padilla.
“Aswang” naman daw ang ikinakabit sa guwapong hunk actor na may pelikulang ipalalabas ngayong Marso 14, ang “My Kontrabida Girl” with Rhian Ramos.
“Cheap na publicity gimmick, ha!” komento ng isang kapatid sa panulat. “Baka naghalo-halo na ang kuwentuhan dahil kahit si DJ Mo ay ayaw tigilan si Rhian na tinawag pa nga nitong ‘killer’ dahil sa kanilang naunsiyaming relasyon,” hirit naman ng isa.
Going back to Binoe and the “bubuyog” issue kay Aljur, minsan na namin itong naitanong sa magaling na manager ni Binoe na si Betchay Vidanes at napakapositibo ng pagkaka-analisa niya sa naturang bansag ng action superstar sa hunk actor. “Tsaka hindi talaga sa kanya nagsimula ang pangangantiyaw, kung kantiyaw man nga yun (ang pagtawag ng bubuyog), parang ipinagtatanggol pa nga niya si Aljur, ” paliwanag pa nito sa amin. Ang nangyari raw kasi ay kinantiyawan ng grupo ni Binoe si Aljur dahil sa panunuyo nito kay Kylie, anak ni Robin. May tumawag daw kasing “bangaw” sa aktor referring to Aljur’s pabuntot-buntot kay Kylie.
Nang makarating daw ito kay Binoe, mabilis nitong sinabi na mas bagay naman at magandang itawag sa isang lalaking masigasig manuyo sa isang bulaklak ang “bubuyog.” Obvious namang may mga nanggugulo lang kaya sa bagong tsismis na “aswang” na naman daw ang tawag kay Aljur dahil hiniling nitong maging espesyal na guest si Kylie sa darating nitong birthday celebration, e, dedma at ayaw na lang nitong pumatol pa uli.
Sino nga kaya ang mga taong nagpapagulo at puwedeng tawaging “My Kontrabida Girl” or boy o pa-girl sa buhay ng anak-anakan ni kafatid na papa Jobert S.?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.