PASOK ang lahat ng 12 manlalaro na itinala ng Gilas Pilipinas para kumampanya sa basketball tournament ng Incheon Asian Games. Sa isinagawang team manager’s meeting kahapon ay walang pumalag sa ipinasang 12-man line-up ni team manager Aboy Castro na kung saan kasama rito sina Marcus Douthit at Jimmy Alapag.
Si Douthit ang naging kapalit ng ikalawang naturalized player ng bansa na si Andray Blatche habang si Alapag ang humalili kay Jayson Castro na mayroong injury.
Ang iba pang kasapi ng koponan ay sina LA Tenorio, Jeff Chan, Gary David, Gabe Norwood, Ranidel De Ocampo, Marc Pingris, JunMar Fajardo, Paul Lee Dalistan, Jared Dillinger at Japeth Aguilar.
“Technical meeting done! We will play with a 12-man roster including Marcus. Better chance. Let’s go for Gold! PUSO! Laban Pilipinas!” wika ni SBP president Manny V. Pangilinan sa kanyang tweeter.
Magsisimula ngayon ang aksyon sa basketball pero ang Pilipinas at pitong iba pang seeded teams ay sa Setyembre 23 pa maglalaro sa second round ng torneyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.