HI Aksyon Line. Good Morning ako po si Valentin M. Arriola, may SSS # 3406289558. Itatanong ko lang po kung kailan makukuha ang file ng sick leave?
Nag file po ako last April 2014 pa po. Sana matulungan nyo ako. Maraming Salamat po
REPLY: Base sa aming record Mr. Arriola, tanging sickness notification pa lamang ang lumalabas at wala pang reimbursement, mas mainam na magberipika ka sa inyong employer at ang kumpanya na ang magbeberipika sa SSS.
Kung sakali namang hindi ito maberipika ng inyong employer, at maayos na rin ang inyong kondisyon, ay bumalik kasyo sa branch ng SSS kung saan kayo nag-file ng sickness benefits.
Base sa inyong sweldo, P270 kada araw ang dapat na matanggap base sa kung ilang araw kang na-confine sa hospital o kinakailangan ng mahabang pahinga sa bahay dahil sa sakit.
May apat na araw na minimum o maximum na 120 days sa hospital o home confinement ang maaaring matanggap na benipisyo.
Sa iba naman na nagnanais na mag-avail ng sickness benefits, kinakailangan ang medical certificate, ID at 10 araw makaraan ang pagkakasakit ay napa receive na ang sickness notification form.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera,
MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap
Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.