Sa ikalawang pag-aasawa yayaman | Bandera

Sa ikalawang pag-aasawa yayaman

Joseph Greenfield - September 17, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Federico ng Baliwasan, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Ako po ay isang sundalo at habang nakadestino ako sa Leyte ay nakapag-asawa ako doon at nabuntis ko siya.  Wala pang isang taon ang baby namin, at dala ng aking trabaho, nadestino ako sa Basilan at iniwan ko muna ang aking mag-ina sa mga nanay nya. Kaya lang ang masakit sa aking pagbabalik ng minsan nagkaroon ako ng bakasyon ay laking gulat ko nang hindi ko madatnan ang mag-ina ko, kundi ang kanyang mga magulang lamang ang nasa bahay nila. Ang sabi po nila ay sumama ang asawa ko sa dati niyang nobyo at sa Maynila na ninirahan. Sa ngayon ay balak kong hanapin ang aking mag-ina sa Maynila, hindi din kasi alam ng mga biyenan ko kung saan sila sa Mayila nakatira. Makikita ko pa kaya sila at magkakabalikan pa kaya kami? Ano po ang dapat kong gawin, o mas ma-ganda bang limutin ko na lang ang lumayas kong asawa at mag-asawa na lang ako ng iba?
Umaasa,
Federico ng Zambonga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Ikalawang Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. Arrow 2.) sa iyong palad na higit na mas maganda kaysa sa una ( arrow 1.). Ibig sabihin kung nabigo at nilayasan ka ng una mong asawa, sa pangalawang pag-aasawa, tiyak ang magaganap – habang buhay ka ng liligaya.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Four of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (IIlustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa isang paglalakbay mo makikila ang ikalawa mong mapapangasawa, may kaya sila sa buhay o mayaman, at dahil sa pag-aasawang ito, malaki ang posilidad na  yayaman ka at at yayaman din ang inyong itatayong pamilya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending