Lovi Poe nakaganti na, Direk Erik Matti kinastigo ng grupo ng mga Manager Bandera

Lovi Poe nakaganti na, Direk Erik Matti kinastigo ng grupo ng mga Manager

Cristy Fermin |September 16,2014
share this

Lovi Poe nakaganti na, Direk Erik Matti kinastigo ng grupo ng mga Manager

Cristy Fermin | September 16, 2014 - 03:00 AM

lovi poe
Inupuan na ng mga opisyales at miyembro ng samahan ng mga managers ng lokal na aliwan ang ginawang pagmumura at pagtawag ng starlet ni Direk Erik Matti kay Lovi Poe.

Miyembro ng PAMI si Leo Dominguez, manager ni Lovi Poe, kaya sa halip na gantihan ang mga paratang ng direktor sa kanyang alaga ay sa PAMI ito nagsumbong.

Tamang desisyon, dahil kung sinagot din nito ang maaanghang na salitang ipinakain ng direktor sa dalaga ay lalo lang magliliyab ang isyu, masasabihan ding may kabastusan ang manager kung tatapatan nito ang matinding ipinost ng direktor sa social media.

Pagkatapos ng pagbabalanse sa senaryo, matapos timbang-timbangin ng PAMI ang nangyari ay nag-isyu ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng mga managers ng mga artista, kinokondena ng PAMI ang pagiging arogante ng direktor at nakikisimpatya sila sa manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez.

Gaano man katindi ang problema, dapat ay nagpigil ng kanyang emosyon ang direktor, sana’y hinarap na lang nito ang manager ni Lovi o ang aktres mismo at saka ito nagtaray nang nagtaray na parang hindi na ito sisikatan ng araw kinabukasan.

Napakatindi ng pang-aalipustang inabot ni Lovi Poe kay Direk Erik Matti, para bang nawalan ng saysay ang lahat ng kanyang pagsisipag at talento sa pagganap, tinawag pa siyang starlet ng direktor na para bang wala pa siyang anumang napapatunayan sa pinasok niyang larangan.

Ang masasakit na salitang napakawalan na ay napakahirap nang bawiin. Nakatatak na kasi ‘yun sa isip ng nasaktan, dumiretso na sa puso, mahirap nang kalimutan.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending