Sulat mula kay Aletha, ng Barangay Mabini, Cabadbaran City
Problema:
1. Umuwi na lang ako sa amin pagkatapos maging tambay ng isang taon sa Cebu City. College graduate ako pero walang trabaho. Meron din namang trabaho, pero malaswa ito para sa aking relihiyon. Bagaman nakahihiyang bumalik sa mga magulang ko ay kinapalan ko na lang ang mukha ko. Malaki kasi ang nagasta nila sa pag-aaral ko at naibenta na nila ang pamanang sakahan.
2. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakapagbibigay ng pera sa kanila. Kailan kaya ako magkakatrabaho? Meron akong pinsan na nasa Middle East pero magulo roon at ayaw kong umuwi ng baldado o bangkay. Pakisilip naman ang aking kapalaran, lalo na kung magkakaroon ako ng trabaho sa abroad. May 12, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Aletha, ng Barangay Mabini, Cabadbaran City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang Virgo, makapag-aabroad ka. Kaya nga kung ang pinsan mo ay isinilang sa zodiac sign na Virgo, tulad ng nasabi na, tutulungan ka niya upang makapangibang bansa.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing may malaking suwerteng naghihintay sa iyo sa susunod na taon. Simula ngayon, pagkalipas ng walong buwan, bababa ang oportunidad sa iyo at iyan ay para sa pagbuti ng iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang magtuluy-tuloy ang suwerte at positibong kapalaran, lagi kang magsuot ng kulay na pula at asul. Kapag suot mong lagi ang pula at asul, mas madali kang makapag-aabroad.
Huling payo at paalala:
Aletha, kaya pala hindi ka matanggap-tanggap sa trabaho sa ating bansa, kahit na gaanong sipag pa ang gawin mo, lumalabas ayon sa iyong kapalaran, wala rito sa ating bansa ang iyong suwerte, bagkus ay nasa abroad. Kaya pagkatapos na pagkatapos mong basahin ang kasagutang ito, kontakin mo na ang iyong pinsan, tiyak na matutulungan ka niya. Malaking suwerte at pag-unlad ang darating sa iyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.