SOLO THIRD PLACE HANGAD NG BLAZERS | Bandera

SOLO THIRD PLACE HANGAD NG BLAZERS

Mike Lee - September 15, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon (The Arena) 2 p.m. Mapua vs  St. Benilde 4 p.m. San Sebastian vs Perpetual Help Team Standings: San Beda (12-2); Arellano (10-4); JRU (9-5); St. Benilde (9-5); Perpetual (8-6); Letran (6-8); Lyceum (6-8); Mapua (4-10); EAC (3-11); San Sebastian (3-11)

KAKALAS ang College of St. Benilde sa pakikisalo sa pangatlong puwesto habang didikit pa ang University of Perpetual Help sa mahalagang ikaapat na puwesto sa pagpapatuloy ngayon ng 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Ikasampung panalo ang nakataya sa Blazers kung magapi nila ang inspiradong Mapua Cardinals sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

May two-game winning streak ang St. Benilde pero dapat na hindi sila mawala sa focus dahil bagamat talsik na ang Cardinals sa 4-10 baraha sila ay may tatlong dikit na panalo para malinya ang sarili sa malakas na pagtatapos.

Kung magwagi pa ang tropa ni St. Benilde coach Gabby Velasco, ang koponan ay magsosolo sa ikatlong puwesto at pansamantalang iiwan ang Jose Rizal University na tulad nila ay may 9-5 karta sa kasalukuyan.

Ang Altas ay sasagupa sa San Sebastian College sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon at naghahangad na putulin ang dalawang dikit na pagkatalo.

Galing ang tropa ni Perpetual Help coach Aric del Rosario sa 81-91 panghihiya sa kamay ng Cardinals para bumaba sa ikalimang puwesto sa 8-6 baraha.

Kailangang manumbalik ang dating tikas ng koponan para manatiling matibay ang paghahabol ng puwesto sa Final Four.

Isa pang pagkatalo ng Altas ay magreresulta rin sa pagpasok na sa Final Four ng four-time defending champion San Beda College na sa ngayon ay mayroong 12-2 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending