Michael Pangilinan aalipustahin pag sumablay sa Kris TV
Maaga kaming gigising ng alaga kong si Michael Pangilinan today dahil we have to be at the set of Kris TV sa 19 East sa Sucat Parañaque para sa kaniyang guesting sa morning show ng lola Kris Aquino ninyo. Ha-hahaha!
Part ito ng promo ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 kung saan kakantahin ni Michael nang live sa program ni Tetay ang kaniyang entry na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” composed by Joven Tan.
“Di ba mataray si Kris Aquino, ‘Nay? Baka hindi niya ako magustuhan kasi hindi kayo close,” pag-aalala ni Michael.Huwag siya ‘kakong mag-alala dahil kahit hindi kami close na masyado ni Kris (parang hindi na nga talaga kami close – hindi ko kasi siya feel), propesyonal naman ang babaeng iyan.
Hindi naman iyan namemersonal. Basta paghandaan lang niya pag nag-one liner si Kris pag nalaman niyang ako ang manager niya. Deadma lang siya.
Siyempre, fresh na fresh pa si Michael sa pagdalo sa PMPC Star Awards for Music kagabi kaya medyo puyat-puyatan si bagets ngayon. Kaya sana ay makanta niya nang maayos ang entry nila sa Himig Handog? Wish ko lang.
Kaya for sure, on the way to the set ay panay ang vocalization namin sa kotse para sure na makanta niya nang maayos ang “Pare”. Pag hindi, patay siya kay Kris. Hindi lang one-line ang aabutin niya – tiyak na alipusta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.