Lovi Poe hindi dapat minura ni Erik Matti
DIREK Erik Matti and Lovi Poe are on a warpath – fuming mad talaga ang kababayan kong movie director dahil diumano sa pagtanggi ni Lovi Poe to do a second project with him despite an existing contract.
Kahit sinong direktor ay magagalit sa artista niya most especially kung meron naman pala silang kasulatan or even just a verbal agreement. Pero siyempre, dapat din nating alamin kung bakit nauwi sa hatred ang kanilang friendship? To the point na nagmura na si direk Erik Matti and called Lovi names like “unprofessional, starlet”, etcetera.
Hindi ko man alam ang buong istorya pero gusto ko ring bigyan ng benefit of the doubt si Lovi Poe. Sa mga nababasa kong item (doon lang po ako magbabase ha, I will try to be objective kahit paano), sinasabi roon na tatlong projects daw ang napagkasunduang gawin nina Direk Erik and Lovi at nagawa na nila ang first film, ito ngang part one ng “Aswang Chronicles”
Then comes the second part na magiging entry nga sa MMFF 2014, kaya lang it will just entail Lovi two shooting days.
For an actress of her caliber (she may not be a great actress yet pero in fairness ay nag-grow na rin siya kahit paano), parang gusto ko ring unawain si Lovi dahil napakaliit nga naman ng magiging role niya if she will just have two shooting days.
For sure, she was expecting na bida pa rin siya sa second film na ito pero how can she be bida kung dalawang araw lang naman pala siyang magsu-shoot? Willing naman daw si Lovi na gawin ang project kaya lang dapat ay maalagaan naman ang role niya’t pangalan.
Yung mahaba-haba naman sanang exposure at mas malaking role.May mga nagsasabi namang walang big or small roles sa isang magaling na artista.
Very Hollywoodish ang statement, di ba? Pero I don’t think it applies in our country lalo pa sa katulad ni Lovi na isang leading lady material – hindi naman iyan tulad ng magagaling nating character actresses na puwedeng itawid ang kahit anong role, kahit walang linya and still get noticed.
Pero hindi apt pa sa katulad ni Lovi na para ma-realize ang presence sa anumang movie project ay kailangan ng matagalang presence and dialogues. You know what I mean?
Anyway, grabe ang nabasa kong post ni Direk Erik Matti – yung sobrang galit niya kay Lovi, pinagmumura niya talaga and I found it off. Puwede naman siyang magalit o magtampo pero hindi na dapat umabot sa pinagmumura niya ang bata.
Babae pa naman. Baka he just woke up at the wrong side of the bed when he was writing those posts. Ganyan naman tayo, di ba? Pag sinunod natin ang ating galit, hindi natin naku-control ang ating emosyon. Artist kasi eh.
Pero marami namang paraan para maiparating niya ang kaniyang tampo o galit, at doon daw sa pagtawag niya kay Lovi ng starlet masyadong nasaktan ang dalagang aktres.
Alam niyo naman ang konotasyon ng salitang starlet dito sa atin – yung waley talaga ang dating. Kung sa Amerika ka tinawag na starlet, oks lang iyon dahil ibig sabihin, kahit isa kang artistang baguhan pero knowing kung gaano kalaki ang US market, oks na rin.
Ang dapat sa dalawang ito ay mag-usap nang maayos. Sabihin ni Lovi ang expectations niya on the kind of role she wants to get. The same way na dapat maipaliwanag din ni Direk Erik nang mabuti sa kaniya kung gaano kahalaga ang kahit anong maliit na role na ibinibigay niya sa aktres para makarating sila sa anumang positibong kasunduan.
Hindi mo rin puwedeng maakusahang unprofessional si Lovi dahil unang-una, hindi naman siya tumatanggi to do a project with Erik dahil she seems to be respecting naman her existing contract with him.
But siyempre, kahit sinong artista or manager for that matter, we make sure that the project that we do for our artist is worthy. Nagbida na nga sa unang project, then sa susunod para namang demoted to a small role.
Ano naman ang sasabihin ng fans niya sa ganoong set-up, di ba? That’s not being unprofessional on Lovi’s part – inaalagaan lang niya ang karera niya. Kahit sino ganoon din ang gagawin.
Basta kami, we just wish them both well. Mahal namin ang dalawang ito. Kung kinakailangang mamagitan kami for the two, we are more than willing to join in their dialogue.
Sayang kasi ang friendship nila kung mauuwi lang sa wala dala ng two days shooting offer. I do hope that Direk Erik Matti takes this positively too. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.