Gown na suot ni Krystal Reyes sa debut regalo ni Marian
Nasaksihan ng publiko ang pag-blossom ni Krystal Reyes mula sa pagganap niya bilang young Krystal sa GMA’s top-rating program na Bakekang hanggang sa maging isa sa mga magagaling na young actresses ngayon.
Pinatunayan niya ang kanyang husay sa acting at hosting sa mga palabas sa telebisyon gaya ng Art Angel, Mga Mata ni Angelita, Munting Heredera, Anna Karenina at ang Carmela.
Nu’ng Linggo, ipinagdiwang ni Krystal ang kanyang ika-18 kaarawan sa 55 Events Place sa Quezon City na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Lalong naging kapansin-pansin ang ganda ng GMA Artist Center star sa suot niyang princess-like gown na regalo mismo ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Sa kanyang kaarawan, hindi mapigilan ni Krystal na maluha dahil sa pagdating ng mga taong importante sa kanyang buhay.
“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga taong nakibahagi sa gabing ito.
Hindi ko man po hiningi na magkaroon ng engrandeng birthday party, taos-pusong nagpapasalamat po ako sa lahat ng tao who made this night memorable,” ani Krystal.
Labis rin ang naging pasasalamat ng dalaga sa kanyang magulang na very supportive sa kanya. “Kay Mama at Papa, thankful po ako na kayo ang naging parents ko. Ano man po ang dumating sa atin, sana wag po tayong sumuko.
Mahal na mahal ko po kayo.” Ilan sa mga personalidad na naglaan ng kanilang oras para umattend sa nasabing party ay sina Gina Alajar, Kris Bernal, Camille Prats, Sheena Halili, Barbie Forteza, Bea Binene, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Isabel Oli, Ynna Asistio, Jennica Garcia, Julian Trono, Joanna Marie Tan, Kenneth Paul Cruz at Marian Rivera.
Ayon sa mga taong malalapit sa dalaga, bukod sa paghanga nila sa ganda at husay ni Krystal sa pag-arte ay mas lalo nilang hinahangaan ang pagmamahal nito sa kanyang mga magulang at pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.