Jed Madela may ‘gimik’ para hindi pagsawaan ng mga tao
I MAY say na ngayon ko mas na-appreciate ang singing career ni Jed Madela. Yes, nandoon na tayo, it has been years that he has reigned supreme sa kantahan and biritan pero hindi ko siya masyadong pinansin the past years considering na kababayan ko iyan.
Miyembro ng pamilya Tajanlangit si Jed, isang musical family sa Iloilo na hometown ko rin. Kung sa galing, magaling talaga siyang singer – no doubt, pero he chose to be aloof sa amin noon pa.
Kami naman, when he was just starting sa mainstream, I’d like to think na medyo close ako sa kaniya slightly dahil nakakapagbiruan pa kami during the time na gusto niyang papelan si Rachelle Ann Go.
Nagbubulungan pa kami about him giving Rachelle flowers or chocolates. After that very short stint ng pagkikita (sa program ko lang naman sa DZMM nu’ng nasa afternoon slot pa kami) tuwing naggi-guest siya sa amin.
Pero after that, wala na. We lost touch. Hanggang sa naramdaman ko na lang na hindi na kami friends. Yung parang acquaintance na lang. Ha-hahaha!
I would hear Jed sing – magaling talaga. Tumbok niya ang tamang nota kahit gaano man ito kataas. At nababalitaan ko na lang ang mga shows niya but I never got interested in watching him.
Yung parang wala lang. Until he started to come to our lives lately – why? Dahil sa anak-anakan naming si Dominic Rea, his publicist.
Si Dominic kasi ay parang karugtong na ng pusod namin. Anak ko iyan kaya nang minsan ay inimbitahan niya ako sa presscon ng “All Requests” concert ni Jed (na super successful) na ginanap sa Music Museum, I guess last month lang.
Pumunta ako siyempre, si Doms ang nag-invite kaya. And there, during the presscon, naramdaman ko ang pagka-cool ni Jed. Unti-unti kong nakikita ang kabutihan ng puso niya.
In short, nailapit nga ni Dominic si Jed sa puso namin and here we are, we just woke up na love na namin si Jed. Nagti-text na kami once in a while and he showed naman support sa anak-anakan kong si Michael Pangilinan na may konting kapilyuhan din at katigasan ng ulo.
But it’s alright. Nakita ko kay Jed ang pagkaseryoso sa kaniyang singing career – ang pagpapahalaga sa kaniyang propesyon na nais kong ipasa sa alaga kong si Michael na makakasabay niya as interpreter sa nalalapit na Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 sa Smart Araneta Coliseum come Sept. 28.
Anyway, grabe ang turn out ng sales sa first concert ni Jed sa Music Museum kaya his producer, Moises Manio, immediately booked him for “All Requests 2” sa same venue this coming Sept. 12.
And this time ay guest niya ang favorite The Voice Kids second placer nating si Darren Espanto. Galing! Gusto namin ito. Meron pang ibang guests whose names slipped my mind. Ha-hahaha! Matanda na kasi ang lola n’yo!
“Baka mas mahaba nga ang show ngayon dahil marami akong guests. Kumbaga, may songs sa last show namin na papalitan ko, kasi nga, may regular patrons tayo sa show na gusto’y may bago laging nakikita.
Ako naman, ayoko talagang nagdu-duplicate ng show. I may sing a few same songs in the next shows pero palagi akong naghahanda ng mga bago.
“Siyempre, para di ka pagsawaan ng audience mo. Every show ay dapat iba rin. Sa September 12 ay kakantahin ko ang entry ko for Himig Handog. Kaya ako sobrang excited sa kanta kong ito dahil hindi ako pinabirit.
Yung kantahang walang tili dahil very cool ang song. Kaya ko nga tinanggap ang kantang ito para maiba naman,” ani Jed.
Meron na agad silang naka-book na “All Requests 3” concert sa Music Museum pa rin dahil sold out na naman ang tickets niya sa “All Requests 2”. Kaloka! And this time ay guest na niya ang alaga nating si Michael Pangilinan. Wow! What a treat, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.