Katawang pinagsawaan (2) | Bandera

Katawang pinagsawaan (2)

Joseph Greenfield - September 06, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay S.S. ng Barangay Bago Aplaya, Talomo, Davao City
Problema:
1.     Nalalapit na naman ang Pasko at hanggang ngayon ay wala pa rin aking boyfriend na makakausap, mayayakap, at makakatabi. Sa tingin ay simula ngayon hanggang Disyembre ay hindi na ako magkaka-boyfriend.  Meron naman akong naging karanasan sa pagkakaroon ng boyfriend, kaya’t di masasabi na tigang ako.  Ang una kong boyfriend ay magaling.  Super talaga ang galing ng una kong boyfriend.  Napakagaling magsinungaling.  Pero, huli na nang mahalata ko na puro kasinungalingan na ang kanyang sinasabi.
2. Noong una ay hindi ko ito nahalata kaya sa ganda ng kanyang mga kuwento ay naniwala ako at mas lalo pang napamahal sa kanya.  Nang malinaw ang kanyang pagsisinungaling ay sinundan ko siya.  May asawa na pala ang lintik at may mga anak pa.  Nang muli kaming magkita ay hindi ko na pinatapos ang kanyang kuwento.  Namutla siya at natapos ang aming relasyon.  Pinagsawaan na niya ang katawan ko.  Naging pihikan na ako sa mga manliligaw.  Meron bang nakalaang tapat at mabait na lalaki sa buhay ko?
Umaasa,
S.S. ng Barangay Bago Aplaya, Talomo, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo  (Illustration 2.) ay nagsasabing susuwertehin ka, na magka-boyfriend ng Aries at ito ay nakatakdang maganap sa ikatlong linggo ng Disyembre.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing, isang lalaking isinilang sa petsang 3, 12, 21, o kaya’y 30 ang magiging boyfriend mo. At dahil compatible ang birth date mong 6 at birthdate niyang 3, 12, 21 o kaya’y 30, magiging sweet at romantic ang relasyon ninyo.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang nasabing pag-aanalisa ng iyong kapalaran, pagpasok na pagpasok ng ikatlong linggo, magsuot ka agad ng kulay violet, asul o kaya’y pula, puwede rin ang pink. Sa ganyang kulay ng damit, sigurado na ang magaganap – magaka-boyfriend ka ngayong papalapit na ang mahalagang araw mo, at ang nasabing relasyon ay magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
S.S., ayon sa iyong kapalaran, matutupad na rin sa wakas ang malaon mong wish, sa pagsapit ng mahalagang araw, darating isang lalaking may initial na A.B. ang magiging boyfriend mo, at ang lalaki na ring ito ang magpapaligaya sa iyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending