GOOD noon madam. Matagal-tagal din po na wala akong trabaho. Nung magbigayan ng PhilHealth card sa lugar namin dito sa Bulacan, isa po ako sa nabigyan. Ang expiration date po ay sa 2016.
Sa kabutihang palad, ako po ay may trabaho na ngayon. Dapat po sana ay babayaran na ako ng Philhealth ng amo ko. Ang kaso po, activated pa raw po yong membership ko bilang indigent. Ano po ang dapat kong ga-win? Pwede po bang huwag na muna akong bayaran ng amo ko at hintayin ko na lamang ang expiration ng PhilHealth ko sa munisipyo bago po ako bayaran ng amo ko?
Ang sabi po kasi nila na maiinvalid daw po yong sa munisipyo kapag oras na magkatrabaho na ako. Gaano po ito katotoo? Sana po ay mabigyan ninyo ng linaw ang mga katanungan ko. Salamat po.
Bb. Rowena
Valerio
REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Ito po ay tugon sa email ni Bb. Rowena Valerio hinggil sa kanyang kontribusyon o bayad sa PhilHealth.
Nais po naming ipabatid kay Bb. Valerio na ayon po sa polisiya ng PhilHealth, ang lahat ng empleyado ay kinakaila-ngang ipagbayad ng kontribusyon at maireport sa PhilHealth ng kanilang amo o employer base sa kanilang buwanang kita.
Samantala, ang isang Sponsored o Indigent Member na nagkaroon ng trabaho nang hindi pa nage-expire ang kanyang membership (gaya ng kanyang sitwasyon), marapat lamang po na siya ay magbayad ng buwanang kontribusyon bilang employed member na hindi kinakailangan pang baguhin ang inyong kategorya sa PhilHealth bilang Sponsored o Indigent Member.
Sa oras na huminto si Bb. Valerio o mawalan ng trabaho, maari pa siyang mag-request na mai-adjust ang kanyang kontribusyon para sa mga buwan na nagkaroon ng dobleng bayad bilang Sponsored o Indigent Member at Employed Member sa kahit saang tanggapan ng PhilHealth.
Sana po ay aming nabigyang linaw ang katanungan ni Bb. Valerio Kung kayo po ay may iba pang nais na malaman sa programa ng PhilHealth maari po kayong tumawag sa (02) 441-7442 o mag-email sa [email protected] at malugod po namin kayong paglilingkuran.
Maraming salamat po.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.