ALTAS, HEAVY BOMBERS UNAHAN SA NO. 3 SPOT | Bandera

ALTAS, HEAVY BOMBERS UNAHAN SA NO. 3 SPOT

Mike Lee - September 05, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. Mapua vs Lyceum
4 p.m. Perpetual vs JRU
Team Standings:  San Beda (10-2); Arellano (9-3); Perpetual Help (8-4); JRU (8-4); St. Benilde (8-5); Lyceum(5-7); Letran (5-7); EAC (3-9); San Sebastian (3-10); Mapua (2-10)

MAG-UUNAHAN ang Jose Rizal University at University of Perpetual Help sa pagdikit pa sa mga nasa itaas na koponan sa kanilang pagtutuos sa pagpapatuloy ngayon ng 90th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Tampok na laro dakong alas-4 ng hapon ang tagisan at ang mananalo sa pagitan ng Heavy Bombers at Altas ay mananatili sa ikatlong puwesto at didikit pa ng isang laro sa nasa ikalawang puwesto na Arellano University (9-3).

Asahan ang mahigpitang laro sa dalawang koponang ito matapos mauwi sa 62-61 ang unang pagkikita pabor sa Heavy Bombers.

May two-game winning streak din ang JRU pero hindi nagpapahuli ang Perpetual na may tatlong sunod na panalo.

Ang mga beteranong sina Philip Paniamogan at Michael Mabulac ang  mga huhugutan ni JRU coach Vergel Meneses pero dapat na tumindi rin ang kanilang depensa para pigilan ang ‘big three’ ng Altas na sina Juneric Baloria, Harold Arboleda at Earl Scottie Thompson.

Mauunang maglalaban ang Lyceum of the Philippines University at Mapua Institute of Technology sa ganap na alas-2 ng hapon.

Sa dalawang ito ay mas mahalaga ang makukuhang panalo para sa Pirates lalo pa’t naghahabol pa sila ng puwesto sa Final Four.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending