LA SALLE, UE NANAIG | Bandera

LA SALLE, UE NANAIG

Mike Lee - September 01, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UP vs Ateneo
4 p.m. Adamson vs FEU
Team Standings: FEU (9-2); Ateneo (8-3); La Salle (8-3); NU (7-4); UE (6-5); UST (5-6); UP (1-10); Adamson (0-11)

MAAGANG umarangkada ang opensa ng De La Salle University para pagningningin ang 66-57 panalo sa Adamson University habang ang University of the East ay humugot ng season-high kay Charles Mammie tungo sa 64-55 pananaig sa National University sa 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Naging matalim ang palaso ng Green Archers sa unang yugto na kanilang dinomina, 23-8, para makasalo uli sa ikalawang puwesto kasama ang pahingang Ateneo de Manila University sa 8-3 baraha.

May 16 puntos at 16 rebounds si Jason Perkins habang sina Jeron Teng at Almond Vosotros ay naghatid pa ng 15 at 12 puntos para sa La Salle na pinawi ang 74-70 pagkatalo sa Far Eastern University sa huling laro.

Hindi lubusang masaya si Green Archers coach Juno Sauler lalo pa’t may 1-of-17 shooting ang koponan sa
3-point line.

“We have to keep working on making the threes. We have to play more consistent especially on the mental side,” wika ni Sauler.

Ang mental toughness ang siyang naipakita ni Mammie para manalo ang UE Red Warriors kahit hindi pinaglaro ang lider nitong si Roi Sumang bunga ng ipinataw na disciplinary action ng management matapos ang pagliban sa ensayo.

May 22 puntos, 10 rebounds at 3 steals si Mammie na siyang nagtrabaho sa kabuuan ng labanan.

Sa ikatlong yugto siya tunay na nakasakit dahil ang kanyang dunk na nasundan ng 20-footer ang nakatulong para umabante ang Warriors ng 11 puntos, 37-26.

Lumaban pa ang Bulldogs at dalawang beses na dumikit sa isang puntos, ang huli ay sa 41-40 sa dalawang free throws ni Paolo Javelona.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending