Gilas Pilipinas binigo ng Croatia sa overtime | Bandera

Gilas Pilipinas binigo ng Croatia sa overtime

- August 30, 2014 - 09:24 PM

MUNTIK nang makahirit ng unang panalo ang Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup na nagbukas kahapon sa Spain pero nanaig pa rin ang Croatia sa overtime, 81-78.
Sumablay mula sa three-point area si Jeff Chan sa pagtunog ng  buzzer sa regulation time na magbibigay sana ng panalo sa Pilipinas. Nagmintis din si Jayson Castro mula sa three-point area sa huling sandali ng overtime para malasap ng Gilas Pilipinas ang unang kabiguan sa Group B.
Bagaman mas maliliit kumpara sa mga manlalaro ng Croatia ay nagpakita naman ng gilas ang mga Pilipino sa pangunguna ni Chan na nagtapos na may 17 puntos.
Lamang ng walo ang Croatia sa fourth period, 64-56, nang pangunahan ni Chan ang 13-2 rally para lumamang ang Pilipinas ng tatlo, 69-66, may 2:20 na lang ang nalalabi sa laro.
Sinagot naman ito ng 5-0 run ng Croatia para mabawi ang kalamangan, 71-69, may 1:33 na lang ang natitira.
Matapos na maitabla ni Jayson Castro ang laro sa 71-all, 39.6 segundo na lang ang nalalabi ay naagaw  ng mga Pinoy ang bola para magkaroon ng pagkakataong manalo.
Tumalbog naman sa ring ang huling tira ni Chan sabay tunog ng buzzer.
Sa overtime ay muling nanguna ang Croatia, 79-75, ngunit tumira ng tres si Andray Blatche para matapyas sa isa ang kalamangan ng Croatia, 79-78, may 7.6 na lang ang natitira.
Tumira ng dalawang free throws si Damjan Rudez para umabante ng tatlo ang Croatia, 81-78, may 6.1 sandali na lang ang nalalabi.
Sa huling play ng laro ay mabilis na itinawid ni Castro ang bola sa halfcourt line at nakapagbitaw ng tira mula sa three-point line sa takdang oras pero kinapos ito.
Ang susunod na makakasagupa ng Gilas Pilipinas ay ang dating world champion na Argentina, alas-2 ng umaga sa Lunes (PH time).
Nagtapos si Blatche na may 28 puntos at 12 rebounds habang si Marc Pingris ay may 10 puntos para sa Pilipinas.
Ang Croatia ay pinangunahan ni Bojan Bognanovic na may 26 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending