Simulan ang Ice Bucket Challenge para sa mga maysakit at mahihirap na Pinoy | Bandera

Simulan ang Ice Bucket Challenge para sa mga maysakit at mahihirap na Pinoy

Ambet Nabus - August 27, 2014 - 03:00 AM


Usong-uso sa mga celebrities natin ang mag-take ng ALS ice bucket challenge na nagsimula sa USA para sa kampanya nito tungkol sa sakit na amyotrophic lateral sclerosis (ALS) at nag-eenganyo nga ng donasyon para sa ibayong research tungkol sa nabanggit na karamdamang wala pang direktang lunas.

Nang dahil nga sa social media ay naipahayag ng mga nagpasimuno nito sa buong mundo ang layunin ng challenge kung saan dapat ay irerekord ang challenge habang ang isang lalagyan na may tubig at yelo ay ibubuhos sa ulo ng participant.

Ang catch ng activity ay kailangang mag-nominate o mag-dare ang natapos na participant ng isa o higit pang mga tao na kailangan ding gumawa ng challenge within 24 hours pero kapag nag-forfeit ay kailangang mag-donate sa naturang charitable institution.

Dito nga sa atin ay ginawa na ito ng napakaraming celebrities mula kina Lea Salonga, Aga Muhlach, Kris Aquino (na siya nga raw naunang gumawa on live TV), Vice Ganda, Anthony Taberna, Karen Davila, pati na rin ang mga politiko.

Pero kahit na nga nagawa nila ang challenge, nagdo-donate pa rin sila para sa nasabing kampanya. Well, sa dinami-dami ng mga worthy causes at foundation dito sa Pilipinas na tumutulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan, dapat sigurong hamunin din sina Kris, Vice, Lea, Aga, pati na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at iba pang kumasa sa ice bucket challenge, ng katulad na mga challenge para naman ang mga kapatid nating mahihirap at may mga malalang karamdaman ang mabigyan nila ng tulong.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending