Coco, Kim sanay na sanay sa pagpapakilig; Ikaw Lamang trending pa rin | Bandera

Coco, Kim sanay na sanay sa pagpapakilig; Ikaw Lamang trending pa rin

Ervin Santiago |August 25,2014
facebook
share this

Coco, Kim sanay na sanay sa pagpapakilig; Ikaw Lamang trending pa rin

Ervin Santiago - August 25, 2014 - 01:27 PM


In fairness, kilig-kiligan ang mga eksena nina Coco Martin at Kim Chiu sa Primetime Bida serye na Ikaw Lamang. At marami ang nagsasabi na bagay din daw pala na magpatawa at magpakilig ang dalawa pagkatapos nga ng mabibigat na eksena nila sa book 1 ng nasabing master serye.

Talagang nag-trending worldwide ang mga huling tagpo sa Ikaw Lamang, lalo na yung  mga eksena nila sa poso at sa ulanan. Patunay lang na tanggap na tanggap pa rin sila ng viewers kahit ibang-iba na ang atake nila sa kanilang mga karakter.

Sabi nga ng isang pinsan namin na adik na adik sa Ikaw Lamang, mas excited silang manood ngayon dahil hindi na masyadong mabigat ang mga eksena.

Ayon naman sa mga netizen, sana raw ay mas marami pang mga ganitong eksena ang Teleserye King at Teleserye Princess para chilax lang ang mga gabi nila, masarap daw kasing matulog kapag magaan lang ang feeling, lalo na kapag nagkukulitan at nag-aasaran sina Coco at Kim.

Ngayong Linggo, asahan pa ang mas nakaka-in love at nakakaaliw na mga eksena nina Gabriel (Coco) at Jacqueline (Kim), lalo na ngayong malapit na silang mabuking ni Natalia (KC Concepcion).

Kailangang magtago ni Jacqueline sa banyo dahil bigla ngang dumating sa bahay si Natalia. Pero siyempre, bukod sa kiligan, kailangan n’yo ring abangan ang madadramang eksena sa Ikaw Lamang, lalo na ngayong malapit nang maisakatuparan ni Gabriel ang paghihiganti sa mga taong nagkasala sa kanya.

Tutukan ang mga confrontation scenes nina Coco at Boyet de Leon bilang si Franco.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending