Heart napaiyak nang biglang lumuhod si Chiz at yayaing magpakasal | Bandera

Heart napaiyak nang biglang lumuhod si Chiz at yayaing magpakasal

Ervin Santiago |August 25,2014
facebook
share this

Heart napaiyak nang biglang lumuhod si Chiz at yayaing magpakasal

Ervin Santiago - August 25, 2014 - 03:00 AM

NAPAIYAK si Heart Evangelista nang biglang mag-propose sa kanya ang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero sa isang lugar sa Sorsogon. Nagtungo ang dalawa roon para magbakasyon nang ilang araw – walang kaalam-alam ang Kapuso actress na may malaking sorpresa pala sa kanya ang senador.

Bumaha ng pagbati sa social media mula sa mga kaibigan nina Heart at Chiz, sa pangunguna na ng mga malalapit na kaibigan ni Heart na sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi na talagang nagpunta pa sa Sorsogon para saksihan ang makasaysayang tagpo sa buhay ng magkasintahan.

Dalawang larawan ang nakita namin sa Instagram, una ay ang pagluhod ni Chiz  harap ni Heart habang isinusuot ang engagement ring sa aktres at ang isa naman ay nang i-lips to lips ni Chiz ang girlfriend matapos itong sumagot ng “Yes!”

Sa Instagram account ni Alessandra, ipinost nito ang picture ng kamay ni Heart na may suot na engagement ring, nilagyan niya ito ng caption na: “Congrats @iamhearte and @iamchize!”

Sinundan naman ito ng mensahe ni Lovi na nag-share pa ng video clip kung saan mapapanood ang fireworks display na inihanda ni Chiz para sa engagement celebration nila ni Heart.

Sey pa ni Lovi, “Now they’re going to wake up, roll over to one side, and kiss the love of their life. congratulations to my dear best friend and to the amazing man who will love her for the rest of her life!! Love is a celebration!! @iamhearte @saychiz!”

Nagpahiwatig din ng paghanga si Lovi sa katatagan at sobrang pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa, na sa kabila ng mga pinagdaanan nilang kontrobersiya ay nanatiling buo ang kanilang pagsasama.

Sabi ni Lovi, “I’m so happy for you guys! Chiz and heart. You finally found someone who gives you that feeling that people write novels about. Someday when the time comes all I have to do is look at you both and always remember to choose happiness more than anything in this world!”

Kung matatandaan, nagalit ang mga magulang ni Heart dahil bad influence raw ang senador sa kanilang anak, at hinding-hindi raw nila matatanggap si Chiz bilang karelasyon ng Kapuso actress.

Hanggang ngayon ay matigas pa rin ang nanay ni Heart, ayaw pa rin nitong patawarin ang anak sa ginawa nitong pagsuway sa kanila.

Hiwalay na sa asawa si Chiz, annulled na ang kasal niya kay Christine noong 2012 at nagkakilala sila ni Heart noon ding taong yun matapos namang makipaghiwalay ang aktres kay Daniel Matsunaga.

Samantala, kung maraming natuwa sa engagement nina Heart at Chiz, marami rin ang nam-bash sa kanila, lalo na ang mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sabi ng mga ito, talaga palang abot-langit ang inggit ni Heart sa Primetime Queen ng GMA dahil hindi ito pumayag na si Marian lang ang mag-announce ng kasalan, kailangan talaga pati siya.

May nagsabi pa nga na pinilit lang daw nito si Chiz na mag-propose para lang maagawan ng eksena sina Marian at Dingdong. E, kasi nga raw, mismong si Chiz na ang nagsabi noon na hindi siya magpo-propose kay Heart this year, pero bigla na lang daw may ganitong eksena.

Ibig sabihin, minadali raw ang proposal para nga naman mabaling sa kanila ang atensiyon ng madlang pipol. Kaloka, di ba?
Feeling naman namin ay talagang plano na ni Sen. Chiz na mag-propose kay Heart, tumayming lang talaga siya.

Hindi kami naniniwala na nainggit lang sila kina Marian at Dingdong.  Kung matatandaan ilang ulit na ring sinabi ni Chiz na handa na siyang pakasalan si Heart, in fact mas priority pa nga raw niya ang bumuo ng pamilya with his fiancee kesa ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2016 elections.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending